Sa dami na nang problema sa mundo Mga bulkan na nag aalburuto Ang pandemya na pumatay ng mga tao Mga trahedya na gumalanta sa ating mga tao Ngunit sa ating mga Kristiyano Ang Diyos ang natatanging takbuhan mo Kahit sa tingin mo mundo'y guguho Siya parin ang may alam sa huling araw mo Siya ang bato sa mga araw na bumabagyo Siya ang pastol kung minsan nawawala tayo Siya'y kaibigan na lagi mong maaasahan At tagapaligtas na nagbayad sa ating mga kasalanan Kaya kung nawawalan kana nang pagasa Sa kalangitan ay lagi kang tumingala Hingin lagi sa araw-araw ang Kanyang biyaya Magpasalamat pagkat Siya ay binabantayan ka
Comments