• Good News

Profile
Mikayyy Reads

The Taste of Ramen

Ang ramen ay isa sa comfort food ng karamihan, at kabilang na ako dito. Sa panahong nauuso ang mga ganitong klase ng pagkain, madami na ring nagsulputang mga sikat na kainan kung saan mabibigyan ka ng sapat na kasiyahan sa iyong panlasa. Mga lugar na gaya ng Ippudo, Ramen Nagi, Ramen Kuroda, Mendokoro Ramenba at marami pang iba. 
Ngunit isa sa pinakamasayang araw ko ay nang matikman ko ang ramen mismo sa Japan. Nabigyan ako ng pagkakataon na makapagbakasyon, at ang unang pagkain na hinanap ko ay ramen. Ibang-ibang klase at iba-ibang lasa at sarap linamnam nito. Mayroon din silang dry ramen o kung tawagin ay "mazesoba". At syempre, nadagdagan na naman ang mga paborito kong pagkain.

Comments

1 Comments
  • P H O T O S H O P Check my articles too ♥