• Tips


Profile
ObsidianRose

Paano Protektahan Ang Iyong Mental Health Kung Ikaw Ay Stuck Sa Bahay Kasama Ang Toxic Family?

Marami sa atin ang hindi pinalad na maipanganak sa healthy family, madalas ito ang nagiging sanhi ng pagkakaroon ng depression, anxiety problems, PTSD from traumatic experience sa loob ng pamilya at iba pang mga negative effects na dulot ng dysfunctional family sa ating mental and physical health. There’s no such thing as a perfect family, pero kapag mayroong emotional at psychological abuse na galing sa isa or higit pa na miyembro ng pamilya, masasabing ito ay toxic, lalo na kung nakakaapekto na ito sa ating mental health.  

Sa panahon ng pandemiya, marami ang napilitang makisama at magtiis sa piling ng kanilang toxic family members dahil nawalan ng trabaho at na-displace, marami ang nawalan ng access sa proper mental health care dahil hindi na rin afford ang therapy, diyan pa lang ay very stressful na, dagdag pa ng pag-aalala na magka Covid-19, ang mga naririnig nating balita tungkol sa crisis at mga disappointing na mga kaganapan sa bansa…and then of course, ang torture ng pagiging stuck sa dysfunctional family. Kung may eject button lang palabas sa Earth di ba, madami sa atin ang matagal nang pumindot noon, pero we’re here kaya kailangan nating sikaping lumaban at tumanggap ng supporta na kailangan natin, kaya hindi ka nag-iisa sa laban, friend! 

So ano ang mga puwede gawin para matulungan natin ang mga sarili na ma-preserve ang ating mental health habang tayo ay stuck kasama ang toxic family member/s?

1. Limit your exposure. Kung less ang interaction sa kanila, the better. Ang goal ay ang makalayo at kung kinakailangan, putulin ang pakikipag-ugnayan kung hindi na talaga ma-resolba ang issue kahit pa daanin sa maayos na usap. Karapatan mo ang kapayapaan ng isip at karapatan mo ipaglaban ang boundaries mo.

2. Observe, don’t absorb. Aware ang toxic people na nakakasakit sila, gusto nila makita na affected ka sa sinasasabi o ginagawa nila, pero don’t give them that power. Imagine yourself na nakasuot ng white lab coat, naka-off lang ang iyong emotional switch button, ino-obserbahan mo lang yung behavior ng tao na para bang isa siyang subject sa iyong personal research. “Everyone can be our teacher.” as the saying goes. Some people are a good example of a bad example na ayaw natin tularan. 

3. Focus on your passion and goals. May kasabihang “Happiness is a choice.”, kahit na challenge ang manatiling positive sa mga nangyayari, hindi rin impossible maging masaya. Find time to do something you love each day at maglaan ng oras para sa mga plano at goals. Makakatulong ito na magbigay ng sense of security para sa sarili, bukod sa pagiging productive, nabibigyan natin ang sarili ng reminder kung bakit worth it bumangon sa higaan at ipaglaban ang ating future. 

4. Find the support you need, you’re lucky kung may mga supportive friends ka at ilang family members na nandiyan para sa iyo, para sa mga struggling makahanap ng healthy support system, madami pa din mga tao na willing makinig at magbigay ng support out there, hindi natin kailangan solohin ang bigat ng iniisip at nararamdaman, hindi kahinaan ang paghingi ng tulong, join a support page, call a mental health crisis hotline, kung kinakailangan ng professional help, huwag ito ipagkait sa sarili. 

5. Exercise kahit konti. “Any exercise is better than no exercise.”, hindi exactly motivating mag exercise sa panahon ngayon pero kapag nag-exercise tayo, magre-release ang pituitary gland natin ng endorphins which is the happy hormone, nakakatulong ito sa pagbigay ng relief sa depression plus mababawasan ang risk natin sa heart attack and diabetes. 

6. Try journal therapy, yung mga thoughts at nararamdaman natin has to go somewhere lalo na kapag negative, kailangan ilabas sa sistema natin yan, isulat mo lahat ng sama ng loob mo sa papel or journal, puwede mo rin sunugin after kung gusto mo para walang makabasa. Unprocessed and unexpressed emotions will always come out in uglier ways later kapag naipon na. 

 7. Above all: Cultivate a closer relationship with God. We all need Him now more than ever, sabi sa Isaiah 40:29-31 "He gives strength to the weary and increases the power of the weak. Even youths grow tired and weary, and young men stumble and fall; but those who hope in the Lord, will renew their strength.” Nagbibigay ng lakas ang Diyos kung lalapit tayo sa Kaniya, madaling mapanghinaan ng loob kapag may toxic person sa buhay at stuck ka na kasama nila pero kung ilalalpit natin sa Diyos sa panalangin ang ating problema, makaka-asa tayo na magbibigay siya sa atin ng lakas at tulong as long as in alignment sa Kaniya ang prayers at mga hiling natin.

Stay strong, warriors! I have faith in all of you. 

[ObsidianRose]

Comments

0 Comments
Check Out More Good News
Kissing Booth 3
Inspirational Poetry
Love yourself