• Good News

Profile
Say Paca

Paalam

Gaano kadalas sambitin ang isang paalam?
Gaano kasakit bigkasin ang mga katagang
"Ako'y aalis na"?
Gaano kasakit tanggapin na may taong nagpapaalam?
Gaano ito kahapdi sa mga taong naiwan?
Ilan lamang iyan sa mga tanong na nasa aking isipan,
Lilipas ang mga araw, linggo, buwan at taon
Umaabot pa nga ng ilang dekada, minsa'y higit pa bago makalimutan ng mga taong naiwan ang isang paalam
Minsa'y napapaisip ako, masakit din kaya ang magpaalam? Marahil sa iba ay oo
Marahil sa iba ay hindi,
Marahil nga'y minsa'y naisip mo rin,
Pano kapag may magpaalam na mahalagang tao sa buhay mo?
Nakakatakot kapag nilagay mo sa isip mo
Nakakatakot kapag nangyari na ito
Nakakatakot, ayoko na nito
Nakakatakot, hindi ko kaya to.
Bawat pagtalikod ng isang tao
Bawat pagbigkas ng mga salitang ito
Bawat biglaang paalam, oh di ko gusto
Bawat salitang lumalabas sa bibig ko
Mapapansin nyo, ang salitang titulo ng tulang ito ay ang bagay na ayaw ko.
Ngunit may magagawa ba ako?
Di ko mawari kung tama pa bang hilingin ko na may bumalik pang tao,
Isang taong mahalaga sa buhay ko
Isang taong nasaktan ko 
Isang tao minahal ko, higit pa sa isang kaibigan ang turing ko
Naging sandalan ko
subalit sinaktan ko.

Comments

0 Comments