• Good News

Profile
Say Paca

Inumaga

Anong oras na naman,
Inumaga na naman
Sa kakaisip kung anong paraan,
Pilit inuukilkil sa utak
Kung pano nga bang siya'y umiyak
Habang ako'y nakatingin lang
Halos mabuwal saaking kinatatayuan
Makita siyang humahagulgol sa sakit
Habang ako'y nakatayo,
Nakayuko,
Naghihintay siya ng pagsuyo
Pero alam nyo na ako'y sumuko
Nagtatanong,
Palaisipan pa rin ang mga sinampal saaking tanong
Bawat salita'y tila talim ng balisong
Itinatarak saaking dibdib
Ibinabaon ang mga panahong,
Hindi ko alam nang lumaon
Lumamig ng parang hamog sa umaga
Umagang nawala siya
Umagang nasanay akong ako lang mag isa
Nasaan ba siya? 
Di ba't nasa piling ng iba?
Paulit-ulit na nagsusumamo,
Paulit-ulit parang sirang plaka
Masasabi kong tapos na
Ngunit sabi niya'y "Please isa pa"
Pagbibigyan ko ba?
Parang awa mo na,
Ngumiti ka, 
Ngiting nagpapaalala
Paalala sa lahat ng mga kumupas na memorya
Oh masakit na,
At eto pa rin ako, 
Nakayuko,
Habang siya'y nagsusumamo,
Nakaluhod sa paanan ko
Nakauklo
Masakit,
Ako'y napapikit
Nasa harapan ko ang sakit.
Unti-unting nawawala, 
Paunti-unti,
Parang isang marahan na saliw ng musika
Ang hagulhol niya
Sumasama sa lahat ng aking pagdurusa
Bakit nga ba naging ganto?
Bakit ganto?
Nasaan na ba ako?
Nasaan ako?
Dati'y nasaiyo
Ngunit pinalaya mo.

Comments

0 Comments