NEWS UPDATE: Nilinaw ng Pamahalaang lungsod ng SJDM na walang magaganap na lockdown sa lungsod. Ginawa din na August 10, 2020 Lunes ng 12:01 AM sa halip na August 7 ang gagawing paghihigpit sa mga papasok at lalabas sa SJDM lalo na ang mga galing NCR. Pinapayagan pa rin makapag-negosyo, maka-paghanapbuhay at makapagtrabaho ang lahat kung sa loob ng lalawigan ng Bulacan basta may kaukulang dokumento tulad ng ID's atbp. Ang mga guidelines at health protocols ay mahigpit na ipapatupad sa lungsod tulad ng pagsusuot ng facemask, paggamit ng quarantine pass at iba pa. Nakatakda rin maglabas ng implementeng guidelines ang Pamahalaang Lungsod ngayong araw kaugnay ng TF-ERID Kapasiyahan Blg. 2020-07-005 partikular na sa item number 3 nito.
Comments