• Good News

Profile
Jhonalyn Baydal

#MyFirstJob

Based on the picture, yes, my first job is selling pogs. Hindi ako anak mayaman at malayo ang trabaho ng papa ko. Siya lang yung kumikita kasi ang mama ko ay nag aalaga sa dalawa ko pang kapatid. Dumating yung time na half of year ng di nakauwi si papa, so half of year na rin kaming walang makuhaan ng pangtustos sa araw-araw. Nakatira lang kami sa bahay ng lola ko pero nakakahiya naman diba kung lagi kaming aasa sa kanya? Nalaman ko na yung dahilan ng di pag uwi ng papa ko ay dahil sa may third party. Awang awa na ko sa mama ko kasi siya na nga nag aalaga sa amin, dala dala nya pa yung sakit dulot ng pangangaliwa ni papa. Naranasan kong pumasok ng walang baon sa school kasi yung baon ko binibigay ko sa nakababata kong kapatid na pumapasok na rin. Lumaki akong wise, di sa pagmamayabang. Pero utak negosyante na 'ko noon pa. Batang kalye ako, paborito kong makipaglaban ng pogs. Yung time na di umuwi si papa at wala na kaming makain, nagbebenta ako ng pogs tas yung pinagbentahan ko, kinakalaban ko rinšŸ˜‚ oh diba win-win šŸ˜‚ nagka 200+ ako at binili ko yon ng bigas at mauulam namin. Yun yung naging source of income ko at proud ako na sa simpleng pakikipaglaban o pakikipaglaro ng pogs ay naisalba ko yung pamilya ko sa murang edad na dapat si papa ang gumawa. Pero now, bumabawi na si papa and no more third party na. I hope you enjoyed #myfirstjob story, thank you!

Comments

0 Comments
Check Out More Good News
Business for a cause
Fighter!
Yes to this!
Lapit Ng sumuko
Enjoy and Not Regret