• Good News

Profile
Christian Duño

Ang kakaiba at nakakikilig na wedding proposal ng magkasintahang seafarer

Dahil sa magkahiway ang barkong sinasakyan ng magkasintahang seafarer na sina Paul at Naxa, bihira silang magkita. Kaya naman nang minsang magkasalubong ang kanilang mga barko sa Mississippi River, naisipan ni Paul na mag-propose na sa kaniyang nobya. Ang maganda nito, full support sa dalawa ang kani-kanilang kapitan ng barko.

Sa barkong sinasakyan ni Paul, inihanda niya ang malaking karatula na nagsasaad ng "Will You Merry Me" para mabasa ni Naxa.

Wala naman kamalay-malay si Naxa sa sopresang inihanda sa kaniya ni Paul pero may nakahanda na siyang largabista para makita lang sana ang nobyo dahil minsan na rin nagkasalubong ang kanilang barko.

Pero sa pagkakataon ito ng wedding proposal ni Paul, may radyo na rin na inihanda para sa magkasintahan para madinig ng binata ang magiging sagot ni Naxa.

Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon, biglang hindi gumana ang radyo kaya hindi nadinig ni Paul ang sagot ng kaniyang nobya.

Makuha kaya ni Paul ang matamis na "oo," ni Naxa?  Panoorin ang kakaiba at kilig to bones na proposal na ito at ma-inspire sa kuwento ng kanilang pag-iibigan lalo na ang mga dumadanas ng pagsubok dahil sila ay magkalayo.

Comments

0 Comments
Check Out More Good News
YOU MATTER
Racism in NOT Known
Earn quickly + Bonus!