Para sa lahat ng frontliners: Salamat sa mga pagpapagal nyo para sa bayan, Thank you sa paglaban nyo sa Covid19, salamat dahil mas pinilili nyong nasa labas magtrabaho para sa mga nangangaylangang mga may sakit. alam namin na napapagod din kayo, alam din namin na Pagod na katawan nyo, Isang malaking yakap mga frontliners, Kayo ang aming mga bagong bayani. Sa Mga Doctor at Nurse Salamat sa inyo, sa pagtaya ng buhay nyo para sa amin, Napakalapit nyo sa mga pasyenting may covid19, Please alagaan nyo sarili nyo kasi kaylangan pa kayo ng bayan. Sa mga pulis, Sundalo, at guard Lagi kayong magiingat, Trabaho nyo ang magbantay para protectahan ang bansa at mamamayan ngunit ngayong may covid mas kabilang kayo sa mga frontliners na pinangalagaan kami, Sa paghihigpit sa lockdown sa mga Utos ng Pangulo lagi nyo pinapatupad agad! Saludo po ako sa inyo! Para sa Mga Barangay Officials, tanod, at iba pa. Salamat dahil kayo ang malapit para maghatid ng ayuda o tulong galing sa taas, Kayo ang nagpapatupad ng lockdown sa mga Barangay, sinusigirado nyo na sumusunod kami, Thank you! Para sa Mga mayor's at mga kasamahan nito, salamat din sa inyo sa agarang pagbigay ayuda, sa maayos na distribution ng SAP, at pagbigay ng relief goods. Thank you! Para sa mga Reporters Salamat sa paghahatid nyo sa amin ng Balita at Impormasyon tungkol sa mga kaganapan dito sa ating bansa maging sa ibang bansa. Para sa Pangulo ng pilipinas: President Rodrigo Duterte Maraming salamat sa pangunguna nyo sa amin, salamat ikaw yong pangulo namin kasi kung di kamin naging pangulo di naman alam kalagayan namin ngayon. lagi po kayong Magiingat mahal na pangulo, Mahal na mahal ka po namin! Sa Panginoon, Salamat ng marami, Ikaw ang higit na papasalamatan dahil may buhay at lakas kami lagi mo kaming iniingatan sa daan ng aming paglalakbay, Patuloy mo kaming gabayan At alagaan ikaw ang higit naming Kaylangan Ama! #Frontliners #TributeToFrontliners
Comments