• Good News

Letting Go Friends

Nung lumipat ako ng Baguio kasi, doon ko napili para mag-aral ng senior high, di ko aakalain na magiging memorable pala siya para sakin. Yes, nagkaroon ako ng mga kaibigan na talaga namang iniingatan ko at pinagkakatiwalaan ko. My first tropa, nagkawatak-watak kami dahil nagkaroon ng issue. Then, the second one, dito na talaga naging solid. But the thing is, before graduation, may issues na pala sila sakin na hindi nila sinasabi. Meron na din na silang groupchat na hindi ako kasama. How do I know this? Yung isang kaibigan ko, sinabi sakin and nag-sorry about don. Fast forward, nung nagkasagutan na kami nung 'tropahan' ko na yon, narealize ko lang na hindi pala ako marunong pumili ng kaibigan. Joke. Pero, narealize ko lang, na kahit pala pinakitaan mo ng maganda, may mga tao talagang pipiliin pa rin na siraan ka. I know, masakit pero, lesson na din siya sakin na choose your friends wisely. And, kahit na, mahirap magtiwala sa iba, just remember na hindi lahat katulad nila. Na may mga kaibigan na darating sayo na solid talaga at hindi ka iiwan. Ngayon, okay na ako, and sa mga taong nakaranas nito at nararanasan ito, magiging okay ka din. :> 

Comments

0 Comments