ADVERTISE WITH US Home > Life KILALANIN: 44 anyos na inang nagtapos ng senior high school ABS-CBN News Posted at Jul 07 2020 04:09 PM Save Facebook Twitter LinkedIn Watch more in iWant or TFC.tv MAYNILA — Kahanga-hanga ang isang ina mula Laguna na nagtapos kamakailan ng senior high school sa kabila ng kaniyang edad at pagiging abala sa pag-alaga sa kaniyang pamilya. Sa panayam ng Teleradyo, kinilala ang ina bilang si Elena Agualada, isang 44 anyos na may 5 anak. Ayon kay Agualada, nagsumikap siyang pagsabayin ang pag-alaga sa pamilya at pag-aaral dahil pangarap talaga niyang makapagtapos. ADVERTISE WITH US Home > Life KILALANIN: 44 anyos na inang nagtapos ng senior high school ABS-CBN News Posted at Jul 07 2020 04:09 PM Save Facebook Twitter LinkedIn Watch more in iWant or TFC.tv MAYNILA — Kahanga-hanga ang isang ina mula Laguna na nagtapos kamakailan ng senior high school sa kabila ng kaniyang edad at pagiging abala sa pag-alaga sa kaniyang pamilya. Sa panayam ng Teleradyo, kinilala ang ina bilang si Elena Agualada, isang 44 anyos na may 5 anak. Ayon kay Agualada, nagsumikap siyang pagsabayin ang pag-alaga sa pamilya at pag-aaral dahil pangarap talaga niyang makapagtapos. Natigil sa pag-aaral noon si Agualada dahil galing umano siya sa broken family. "Hindi kami nakapagtapos ng pag-aaral, napabyaaan kami kaya sabi ko, magsumikap ako sa sarili ko na kailangan ko matupad 'yong mga pangarap ko," kuwento niya sa programang "Good Vibes." "Gusto ko lang talaga makapagtapos para maging proud din ang mga anak ko sa'kin," aniya. Ayon kay Agualada, nakaranas siya ng pambu-bully mula sa kaniyang mga nakababatang kaklase sa senior high school. Pinupuna umano ng mga nam-bully sa kaniya ang kaniyang edad. "Hindi ko sila iniintindi kasi, wala naman silang magagawa sa'kin, wala naman sila maitutulong," kuwento niya. ADVERTISE WITH US Home > Life KILALANIN: 44 anyos na inang nagtapos ng senior high school ABS-CBN News Posted at Jul 07 2020 04:09 PM Save Facebook Twitter LinkedIn Watch more in iWant or TFC.tv MAYNILA — Kahanga-hanga ang isang ina mula Laguna na nagtapos kamakailan ng senior high school sa kabila ng kaniyang edad at pagiging abala sa pag-alaga sa kaniyang pamilya. Sa panayam ng Teleradyo, kinilala ang ina bilang si Elena Agualada, isang 44 anyos na may 5 anak. Ayon kay Agualada, nagsumikap siyang pagsabayin ang pag-alaga sa pamilya at pag-aaral dahil pangarap talaga niyang makapagtapos. Natigil sa pag-aaral noon si Agualada dahil galing umano siya sa broken family. "Hindi kami nakapagtapos ng pag-aaral, napabyaaan kami kaya sabi ko, magsumikap ako sa sarili ko na kailangan ko matupad 'yong mga pangarap ko," kuwento niya sa programang "Good Vibes." "Gusto ko lang talaga makapagtapos para maging proud din ang mga anak ko sa'kin," aniya. Ayon kay Agualada, nakaranas siya ng pambu-bully mula sa kaniyang mga nakababatang kaklase sa senior high school. Pinupuna umano ng mga nam-bully sa kaniya ang kaniyang edad. "Hindi ko sila iniintindi kasi, wala naman silang magagawa sa'kin, wala naman sila maitutulong," kuwento niya. Mismong ang mga anak umano niya ang nagtatanggol pa kapag siya'y binu-bully. "Nagagalit sila kapag ako'y tinititigan nang talagang masama, pinagtatawanan patalikod po, alam po nila 'yon." Ayon kay Agualada, noong Abril 14 dapat idaraos ang kanilang graduation pero naantala ito dahil sa pandemya dulot ng coronavirus disease. Sa ngayon, pangarap pa rin ni Agualada na magtuloy ng kolehiyo. Nakatakda siyang kumuha ng kursong education sa Polytechnic University of the Philippines sa Santa Rosa. Mensahe naman ni Agualada sa mga tulad niyang gustong magtuloy ng pag-aaral kahit may edad na: "Nasa kanila naman 'yon kung talagang gusto nilang makamit 'yong mga gusto nilang pangarap. Gawin po nila 'yong gusto nila." "Walang makakahadlang kung talagang gusto nila 'yon," dagdag niya.
Comments