• Good News

Profile
Mikee

Hiraya Manawari #MentalHealthAwareness

"Hope it come to pass". ito ang kahulugan na nasabi sa aking pananaliksik sa salitang Hiraya Manawari. Ito ay malalim na sa salita ng mga Filipino na kung saan satingin ko ay napapanahon. 

Ang ating taon na "2020" ay napuno ng pagsubok sa iba't-ibang aspeto ng ating buhay. Nagsimula sa pagdating ng epidemya at mga sakunang naranasan sa iba't-ibang panig ng ating bansa. May mga ibang nawalan ng trabaho at naghihikahos na sa buhay makahanap lamang ng makakain. May mga iba namang nahinto ang kanilang pangarap sa isang iglap lang dahil narin sa pag-iingat sa sakit na kumakalat. May iba namang pilit na lumalaban na lamang sa buhay dahil sa kawalan na lang ng pag-asa. Totoo naman na nakakapanghina at di mawala ang oras na isipin ang mga bagay kung ano na lamang ang mangyayari sa mga susunod na araw. Ngunit gusto ko lang malaman mo, oo "IKAW" KAPATID LABAN LANG SA HAMON NG BUHAY. Ang buhay ay nahahati sa dalawa na kala mo ay dagat, minsan kalmado minsan ito ay nagkakaron ng matinding alon. At tulad ng buhay hindi ito nawawalan ng alon na kailanganan nating malapagpasan, labanan at matutong lumangoy papunta sa paroroonan. Bagamat mahirap man ito kung iisipin ngunit isa ito sa mga kailangan pagdaanan upang tayo ay tumibay, magkaron ng sapat na karunungan sa buhay. Ito ay pang habambuhay na bibitbitin upang maging matapang sa ano mang klase ng hamon ng buhay. 

Bagamat marami man tayong pinagdadaanan sa buhay tandaan mong di ka nag-iisa, lumaban ka kaibigan at lahat ng ito ay malalagpasan mo rin. Mararating ang paroroonan at taas noong titilangain ang sikat ng araw katambas ng bagong pag-asa ng buhay. LABAN LANG KAIBIGAN. 


Gusto ko din magbigay ng rekomendasyon, bisitahin sa facebook ang
 -Anxiety and Depression Support Philippines
 -Buhay Movement 

Pwede niyo icomment ang mga inyong saloobin hinggil dito at magiwan ng mensahe sa mga gusto ng kausap. Paalala na ikaw ay importante. :)

#MentalHealthAwareness 
#NanditoAko 
#itsokaynottobeokay
#keepgoing #Yourmentalhealthispriority
#Goodinfonet 

Comments

1 Comments
  • Mikee
    Nov 27, 2020 12:04
    Photos credited to Buhay Movemet :) <3