GoodNews #3 Huwag kang mawalan ng Pag-Asa Gusto mo nabang sumuko nalang? Isa kaba sa mga taong gusto ng sumuko lalo na sa panahon ngayon?? ----- ----- ----- ----- ----- ----- Nakakalungkot ang mga nangyayari sa paligid natin ano? Maraming mga masasamang balita ang pumapaligid ngayon ,feeling mo puro bad news nalang at wala ng magandang nangyayari. Pero gusto ko lang paalalahanan ka na may mga simpleng bagay na nagsasabing huwag kang mawalan ng Pag-asa. Una pagdilat palang ng mata mo ibig sabihin buhay kapa may ibang tao hindi na nila alam na last day na pala nila kahapon dahil binangungot *toktok Pangalawa ang sinag ng araw ibig sabihin may pagkakataon kapa upang makapagsimula muli, magbago o iimprove ang sarili Pangatlo wala kang sakit biruin mo iyon ang daming senyales na nagsasabing huwag kang mawalan ng Pag-asa Alam mo yung iba nagsusumikap sila sa sitwasyon na meron sila, sa bagay na pinagkaitan sila, edukasyon, trabaho at marami pang iba. Tandaan: Hindi pa huli ang lahat, Huwag kang Mawalang ng Pag-Asa.
Comments