• Good News

EP03-4P'S MEMBER NAGTAPOS NG PAG-AARAL BILANG ISANG MAGITING NA SUNDALO | KWENTO NG TAGUMPAY

Kwento ng tagumpay! 
Dating 4Ps scholar ngayon sundalo na 

PASSI CITY, Iloilo -- Ako si Pvt. Khier P. Amador (CE) isang miyembro ng Philippine Army na itinalaga sa Cebu City. Ako ay anak nina Richard at Roselyn Amador, pangalawa sa anim na magkakapatid. Nakatira sa Brgy. Agtabo, Passi City, Iloilo. Nagtapos sa kursong Bachelor of Industrial Technology major in Electrical Technology sa Iloilo Science and Technology University (ISAT-U) Dumangas Campus at nakatanggap ng With Honors academic award. 

Bago ko nakamit ito ay matinding hirap ang dinanas ko at ng aking pamilya. Ang trabaho ng aking mga magulang ay magsasaka, at hindi naman ito sapat para makatustos ng aming mga kailangan at gastusin sa paaralan araw-araw. Mula elementarya hanggang sekondarya minsan pumapasok ako na walang baon na pera, hanggang tingin nalang ako sa mga kamag aral ko na kumakain dahil wala akong pera pambili. Palagi lang sinasabi ng aking ina at ama na mag-aral ng mabuti dahil yan lang ang kanilang mapapamana sa amin. 

Noong nakatapos na ako ng aking sekondarya at nagsabi ang aking mga magulang na hindi ako mkapaglatuloy ng aking pag-aaral sa kolehiyo dahil hindi nila kaya ang gastusin. At nagtampo ako sa mga magulang ko dahil gusto ko talaga makapag-aral para maihaun ko sila sa kahirapan. Pero wala akong magawa at hindi talaga ako nakapagpatuloy at tumutulong nalang ako sa aking ama sa pagsasaka. 

Tuwing humahawak ako ng araro sabi ko sa sarili ko "hindi habang buhay araro lang ang hahawakan ko, at balang araw magiging sundalo ako". Hindi masama ang maging magsasaka ngunit hindi rin masama ang mangarap na maglingkod sa bayan. 

Makalipas ang isang taon may oportunidad na mkapag-aral ako sa TESDA at dahil libre lang, ang sabi ko baka ito na ang paraan na makapag-aral ako. At sunud-sunod nga ang biyaya at oportunidad na mkapag-aral. Isang araw, sabi ng aking ina na may scholar daw ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) sa lahat ng kabataan na gusto mag aral sa kolehiyo. Ako ang isa sa maraming kabataan na nakapasok sa ESGP-PA dahil napabilang rin ang aming pamilya sa 4Ps. Pagkatapos ko ng aking kolehiyo, tinuloy ko ang aking pangarap na maging isang sundalo. Para mkapagsilbi sa bayan at maipagtanggol ang mga taong inaapi. Nag apply ako agad sa Philippine Army at sa awa nang Panginoon nkapasok ako, at naging Top 5 sa aming class. 

Sa ngayon ako masaya ako sa aking trabaho at nakakatulong na rin ako sa aking mga kapatid para makapagtapos ng kanilang pag-aaral. Lubos ang aking nagpapasalamat sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pamamagitan ng 4Ps dahil maraming kabataan na katulad ko ang natulungan na makapagtapos sa pag-aaral at matupad ang mga pangarap sa buhay. Sana marami pang kabataan na katulad ko ang matutulangan ninyo sa pamamagitang ng pagbibigay halaga sa aming mahihirap upang makamit ang aming pangarap. Dahil sa tulong ng gobyerno wala ako sa kinalalagyan ko at ngayon, panahon na para ako naman ang tumulong sa ating gobyerno.

"Lumaban sa hamon ng buhay, dahil babangon tayo"
Congrats PVT Khier  P. Amador

Comments

0 Comments