• Good News

4 NA MAGKAKAPATID NAGTAPOS SA TULONG NG 4P'S AT UNIFAST SCHOLARSHIP | KWENTO NG TAGUMPAY

Magkakapatid nagtapos sa tulong ng UNIFAST scholarship at ng 4P's, Basahin ang Kwento ng tagumpay.

Ako po si Samrod P. Dialal isa sa anak ng benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4P's)  mula sa Barangay Upper Sepaka Surallah South Cotabato. Ito po ang kwento ng aming buhay.

Taong 2010 ang aking nanay na Si Taya P. Dialal ay maswerteng nakapasok bilang benepisyaro ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o mas kilala sa pangalang 4P's. Walo kaming magkakapatid at ako ang panganay. Malaking tulong po sa aming pamilya ang natatanggap naming Conditional Cash Transfer mula sa nasabing programa. 

Taong 2010 nagsimula po akong mag aral ng koleheyo sa Cotabato City State Polytechnic College. Nakitira po ako sa aking tiyahin upang makatipid sa gastusin araw araw sapagkat hindi sapat ang kinikita ng aking mga magulang upang tustosan ang aking pangangailan araw araw dahil magsasaka lamang ang aming ama. Taong 2015 nagtapos ako ng Kursong Bachelor of Science in Social Work. Sa parehong taon nag take po ako ng Board Exam sa Davao City at Maswerteng pumasa at naging ganap na Registered Social Worker. Taong 2017 maswerte akong nakapasok bilang manggagawa sa Deparment Of Social Welfare ang Development(DSWD) Regional Office 12 bilang Municipal Link ng 4P's  sa Palimbang,  Sultan Kudarat hanggang sa Kasalukuyan.

Pangatlo sa aming magkakapatid na si Rehanie P. Dialal ay nagtapos din ng Bachelor of Science in Sociology sa Mindanao State University - General Santos City Campus nitong taon. Siya din po ay naging scholar ng UNIFAST na naging tulay upang makapagtapos siya ng pag-aaral.

Pang apat po sa aming magkakapatid na si Sarmida P. Dialal ay nagtapos din ng Bachelor Of Science in Forestry sa Cotabato City  State Polytechnic College taong 2018 sa tulong din ng aming tiyahin na si Ante Josefa P. Macasayon. Kasalukoyang nagtatrabaho bilang OFW sa Dubai.

Panglima po sa aming magkakapatid na si Rohainie P. Dialal ay nagtapos ng Bachelor of Science in Business Administration taong 2019 sa Tulong din ng tiyahin namin na nabanggit sa taas. Kasalukoyan siyang nagtatrabaho sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Sa Kasalukoyan,  pangalawa po sa aming magkakapatid na si Rahamie P. Dialal ay nag aaral ng kursong Bachelor of Science in Agriculture sa South East Asia Institute of Technology sa Tupi,  South Cotabato at kasalukoyang scholar ng UNIFAST. 

Patunay po na hindi kailanman hadlang ang kahirapan upang makamit ang mithiin sa buhay. Malaking tulong po ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4P's) ng DSWD at ng UNIFAST Scholarship Program ng Commission on Higher Education (CHED) sa aming Pamilya. Naway maging inspiration ang maikling kwento ng aming buhay.


Kwento ng Tagumpay!
iba ka pinoy.

Comments

1 Comments
  • Nekkooolai
    Feb 22, 2021 21:08
    💚