WOODEN BIKE, KINAGIGILIWAN NG NETIZENS. Namangha si Bayan Patroller RenZie Azucena sa namataan niyang bisikletang gawa sa kahoy sa Guimaras. Kuwento ng gumawa ng bisikleta na si Jannifer Cabaya, 32 anyos mula Brgy. Banban, Buenavista, Guimaras, matagal na niyang gustong magkaroon ng bisikleta pero wala siyang pambili nito. Dagdag niya, hiningi niya ang mga materyales at pinagtiyagaan niyang ikumpuni ang wooden bike. Ang gulong din aniya sa harapan ay hiram lang.
Comments