Covid 19 mas kilala bilang isang virus na nakamamatay at nakakahawa..Sabi nga nila Need Social Distancing,, Ung tipong parang "may sakit kalang na ketong sa balat"!!!kaylangan ng distansya kasi natatakot ang iba baka daw makahawa... "Dapat bang manatili yung mga isip ng tao sa isang salita lang na Covid"!!o dapat mas lalong lumawak ang isip nila para mas lalo nila maunawaan yung bagay na pwede mong maisip sa pagkakaroon ng Corona Virus.! Sa totoo lang kung uunawain mo ung mga bagay na kayang mangyari at maisip sa bawat pagkakataon na nasa bahay ka "mas lalo mong mauunawaan kung bakit ba sya pinahintulutan ng Diyos na ibigay sa Buong Mundo at maranasan ng tao! Sa sobrang bz ng mga tao wala na silang oras sa sarili at mga anak, sa sobrang bz ng mga ibang tao wala na silang oras para makapag pahinga ng ayos sa bahay, at sa pamamagitan ng "Home quaranteen "!maraming bagay ang nag bago, kahit nga sa pag aaral ng mga estudyante ay nabago na din.. (Ganun pa man mas lalong ipinapakita nito kung gano kahalaga ang mga bagay sa mundo na normal mong Ginagawa at normal kang humihinga at nabubuhay sa mundo at malaya kang nakakapag aral ng ayos,, dahil sa way ng pagaaral ngayong New Normal naiiwasan ang pagkatamad ng mga kabataan sa pag aaral at pag bubulakbol nila sa paaralan at mas lalo din silang nag kakaroon ng oras para mas tumutok sa pag aaral habang nasa kasalukuyan sila ng New Normal Study Bilang Home Quaranteen.! ) mas masarap mamuhay at huminga ng malaya yung tipong wala kang iniilagang bagay na gawin sa lahat ng pagkakataon. At dahil dito mas mauunawaan ng tao kung gano kahalaga ang matinong gobyernong kanilang ginagalawan at pinapangarap...Mas masarap kung ang bawat namumuno tapat sa sinumpaang pangako sa taong bayan. mas masarap kung puro makabuluhang bagay ang nangunguna hindi ung panay pag tataas sa sarili,,"sa sobrang pagtataas sa mga bagay na naitulong" ung mga taong higit na nangangailangan ay hindi na sa kanila nakaabot ang bawat tulong para saan ba ang ayuda?! "para kanino at sino lang ba ang pwedeng mabigyan at magkaroon nito. para lang ba ito sa mga taong dating may trabaho na nawalan ng trabaho..para lang ba ito sa mga taong may titulo ng edukasyon.?! " Pano ang mga namumuhay ng simple at walang titulo ng edukasyon pero humihinga sa bayan na nasasakupan ng kanyang minamahal na gobyerno. at higit sa lahat mas nangangailangan ng tulong.. Mas Naunawaan ko sa pamamagitan ng Covid 19 ung kahalagan ng bawat pangako at pag uugali at pagmamahal, at respeto na pwede mong maipamahagi sa iba.. ung pag tutulungan, ung matino at tapat na gobyerno at tapat na pamumuno sa ating bansa. Di tayo dapat masilaw sa lahat ng yaman sa mundo bagkos mas lalo dapat tayong kumapit sa Diyos at humingi ng pang unawa di sapat ang mataas na edukasyon para magyabang at manghamak ng kapwa at magdamot sa mga yaman na mayroon ka sa lupa, ang materyal at financial ay nauubos at natatapos.ngunit ung kagandahan ng kalooban ay kahit kaylan di nababayaran at di natatapos kahit di kana Humihing sa mundo. Dahil ang lahat ng naitanim mong kabutihan ay patuloy na nananalaytay sa bawat puso at isip ng tao na minsan mong natulungan na bukal sa loob mo ang bawat pagtulong kahit na wala kanang hininga sa mundo.! mas nanaisin mo pabang mawalan ka muna ng hininga bago ka makagawa ng tama at makabuluhang bagay at pamumuno sa bansa na nasasakupan mo. ("Siguro syempre hindi diba"..) Gusto ko lang ibahagi ung pag uugali ko at bawat bagay na hilig kong gawin,, mahilig po akong makipag kaibigan sa kahit na kanino,, di ako natatakot na kumilala ng kahit na sinong tao. masama kaman o mabuti. edukado kaman o walang titulo. "minsan sa buhay ko mas pinili kong makisama sa mga taong mas simpleng pamumuhay kesa makisama sa mga mas edukado at may yaman pero walang kakuntentuhan! ("pero di ko naman po sinasabi na lahat ng edukadong tao ay walang respeto at magandang pag uugali, syempre di lahat,,!!") at hindi marunong umunawa sa mga puso at isip ng mga taong nasa mahihirap na kalagayan. sila ung mga taong walang Ginawa kundi magtaas ng sarili at magyabangan sa lahat ng oras. ung tipong kung tignan nila sarili nila akala mo wala ng mas hihigit sa kanila bilang isang matalinong tao.Para sakin ang edukasyon hindi nababase sa titulo lamang na meron ka,, Higit sa lahat kung pano ka umuunawa at nag mamahal ng iyong kapwa sa kahit ano pang itsura nila kahit gano pa sila kababa at ka simple bilang isang tao na may hininga sa mundo. mas masarap kausap ung mga taong may higit na dunong pero mapagpakumbaba at handang mamahagi ng talino at hindi ka tinitignan bilang isang walang edukasyong tao. para mas lalo ka makakuha ng talino at mas lumawak ang isip mo, pero mas masarap pakinggan ang bawat boses ng mahihirap sa lahat ng pag kakataon kasi sila ung higit na mas nangangailangan at mas may higit na pangarap kesa sa mga taong lumaki sa yaman. "Di ko po gusto makasakit ng damdamin ng iba o mangbastos sa Vlog ko na ito "!.gusto ko lang ipaunawa at ipamahagi ang bawat nilalaman ng puso at isip ko sa lahat ng pag kakataon. High School Graduate lang po ako at sa ALS po ako nag tapos Sa (Gov. D. M Camerino Elementary School) sa lugar ng Medicion sa Imus Cavite... bilang Secondary Students.. at hindi ko ikinakahiya kung san ako nag tapos.kung bakit hindi sa normal na eskwelahan at mas ginusto ko sa accelareted school.. Nung time na nagsawa na mama kong pag aralin ako at unawain dahil panay pag bubulakbol lang ang ginagawa ko sa eskwelahan Nagsawa syang pag aralin ako. at nag pasya syang tumigil nako.. ("sa isang banda ayuko sana pero mas naunawaan ko na tama ang mama ko,")sobrang hirap maging OFW tapos ung anak nya na Panganay walang ibang ginawa kundi magbulakbol lang sa klase.. Hanggang sa isang araw may ginamit si Jesus na tao si ("Eric Mendoza")Representative sya bilang ALS Teacher,,at nung mga panahon nayun kasalukuyan din syang nakarita sa bahay namin. para mas matupad ko ang pangarap ko at pangarap ng mama ko sakin bilang isang panganay na anak. Noon para sakin Malaking Bagay na ang may "titulo ka ng High School"!! para makasabay ka sa mas matinong trabaho at mas matinong buhay.. Mahirap pag wala kang Diploma ng kahit na anong antas ng Edukasyon,, Nag papasalamat ako sa Diyos sa tulong ng mga libreng edukasyon na binibigay ng Gobyerno mas lalong natutulungan ang bawat kabataan na may pangarap sa buhay para mas lalo nilang matupad ang mga Edukasyon na gusto nilang marating.. Sana walang magsawang tumulong,mag mahal at umunawa.! Gaya ng isang kaibigan na nakilala kolang sa social media at hiningi ko ang kaunting tulong para mas lalong maging makabuluhan ung Vlog na isusulat ko tungkol sa Covid -19..itago nalang natin sya sa pangalang (Ryan Pacuja Crame) sabi nya knina habang kausap ko sya sa phone at tinatanong mga bagay na naunawaan nya sa Covid 19 bilang mamamayan ng Gobyernong kanyang nasasakupan.. Ang politika daw na kanyang ginagalawan ay panay panlalamang,kurakot at pagtataas dahil di naman lahat ng tao na nakakatanggap ng tulong ng gobyerno... Imbis na makatulong mas lalo pa nilang pinapahirapan ang tao dahil sa mga gastos na dapat sana pang laman tiyan nalang napupunta pa sa pambili ng Bariel para sa mga motor nila para kahit sa motor may social distancing ang mga kaangkas nila... Sabi nya pa ang budget na sana sa mamamayan ee binubulsa pa,, "Pandemic-Survivors Budget "(Ang pera ng mamamayan sa Gobyerno)...Sana maging tapat sa lahat ng oras,sana isipin ang pag angat hindi ang pagmamataas at pagyayabang,sana isipin ang makatulong hindi ang pangungurakot,Sana isipin ang pagmamahal at may kapayapaang buhay hindi ang panay makasariling hangarin at isipan sa lahat ng pagkakataon. Kung iisipin,uunawain,pakikinggan at pag aaralan maraming kang maiintindahan... Naging daan din ang Covid para mas lalong maibalik ang pamumuhay at mabuhay muli ang bawat pangarap at isip ng mga dating nag dodraga at dahil dito naging daan din ito upang maibalik sila sa mga dati nilang gawain at pamumuhay ng normal na walang napapahamak, nag bubuwis ng buhay dahil sa tokhang, naibabaling nila ang isipan nila sa mga bagay na noon madalas nilang ginagawa at malaya nilang nagagawa ng hindi pa nila pinapasok ang bisyo, at mas lalo nilang nabibigyan halaga ang buhay nila at pangarap nila dahil sa paghinto nila sa bisyo at masasamang gawain.. Appreciate the positive things and think about how you will exchange your life from destroying to become a better person again..! Have sense not,,Judging so verry fast because of ther mistake.!! Godbless po sa lahat!!! 38 Give generously and generous gifts will be given back to you, shaken down to make room for more. Abundant gifts will pour out upon you with such an overflowing measure that it will run over the top! Your measurement of generosity becomes the measurement of your return.”
Mapalad ang tao na nakakasumpong ng karunungan, at ang tao na nagtatamo ng kaunawaan.
Proverbs 3:13
Datapuwa't hanapin muna ninyo ang kaniyang kaharian, at ang kaniyang katuwiran; at ang lahat ng mga bagay na ito ay pawang idaragdag sa inyo.
Matthew 6:33
Trust in the LORD with all thine heart; and lean not unto thine own understanding.
In all thy ways acknowledge him, and he shall direct thy paths.
Be not wise in thine own eyes: fear the LORD, and depart from evil.
Proverbs 3:5-7
Comments