Maliban sa pera, namigay din ng Wowowin jackets si Willie Revillame para sa mga jeepney driver. Alamin kung ano-anong grupo ang unang makakatanggap ng kanyang donasyon dito. Inilabas na ni Willie Revillame ang listahan ng mga grupo ng jeepney drivers na unang makakatanggap ng kanyang tulong pinansyal. Noong August 7, ipinangako ni Willie na magbibigay siya ng PhP 5 milyong donasyon para sa mga jeepney driver. At sa pamamagitan ng August 13 episode ng 'Tutok To Win' sa Wowowin ay muli siyang nagbigay ng update. Kabilang sa mga pinangalanang grupo ni Willie ay ang Pasang Masada, ACTO at FEJODAP na bumabiyahe sa areas ng Maynila at Quezon City, at pati na rin ang mga pumapasada sa Marcos Avenue, Quirini Highway - Tandang Sora, Balara - Katipunan, Tumana - Balara, Tandang Sora - Quezon City Hall, PISTON sa Manila area, at Navotas area. Pahayag din niya, “Ako na ho at ako nagsabi na ako ang magbibigay nang personal sa mga presidente niyo. Pupunta po ako ng LTFRB I think, 'yun ang sabi ng mga lawyer para po ang mga presidente… Ngayon, sa mga miyembro po, alam niyo po, i-a-announce ko kung magkano ibibigay sa inyo.” Panoorin ang kabuuan ng kanyang update sa video sa itaas. Maliban sa kanyang ipinaabot na pera, binigyan din niya ng Wowowin jackets ang mga tsuper. Dahil sa ginawa ni Willie, nagpadala ng video ang isang grupo ng mga jeepney driver upang ipaabot ang kanilang pasasalamat para sa Wowowin host Ang Wowowin ay araw-araw nang napapanood mula Lunes hanggang Biyernes sa TV at sa official verified social media accounts sa Facebook, YouTube, at Twitter.
Comments