• Good News

Profile
Jlbiscocho

Willi revillame donates 5million for dispalced jeepney driver

Magdu-donate ng limang milyon piso si Willie Revillame sa jeepney drivers na nawalan ng pagkakakitaan ngayong may modified enhanced community quarantine (MECQ) ulit.

Maliban dito, magbibigay rin ang Kapuso TV host ng P400,000 sa pamilya ng apat na Overseas Filipino Workers (OFWs) na namatay sa nangyaring pagsabog sa Beirut, Lebanon.

Inanunsiyo ito ni Willie sa biglaang guest appearance niya sa pagtatapos ng daily press briefing ni Presidential Spokesperson Harry Roque ngayong Biyernes, August 7. 

Pinaunlakan ni Willie ang hiling ni Roque na umupo sandali sa presidential table.

Nag-abiso muna si Willie sa GMA-7, ang kanyang home network, na lalabas muna siya sa PTV-4 "para sa bayan."

Dito ay sinabi ni Willie na napanood niya ang mga balita tungkol sa displaced workers, lalo na ngayong ipinatupad muli ang MECQ sa National Capital Region at apat na probinsiya sa Luzon. 

Nanaig daw ang awa ni Willie sa jeepney drivers na namamalimos sa kalsada dahil hindi muli sila pinapayagang bumiyahe.

Pahayag ng TV host, "Nakakadugo ng puso pag nakikita mo yung mga namamalimos na mga jeepney drivers, dun na nakatira. Yung mga OFWs natin...

"Ako ay isang mamamayan na pinagpala, na nabanggit ko sa 'yo dati na gusto kong tumulong.

"Sa sarili kong pinag-ipunan, dahil naman po ako ay may trabaho ngayon at siyempre ay napakahirap, gusto kong tumulong una dun sa mga jeepney drivers, 'no.

"Sa tingin ko, ito ang unang kinakailangan. Nakita ko yung sa Maynila, hirap na hirap. Nakita ko yung sa Quezon City."

Dahil dito, nagboluntaryo si Willie na tumulong mula sa kanyang bulsa.

Saad niya, "I am willing to give, sa akin pong naipon.

"Hindi naman ito pagmamayabang 'no.

"Ito lang ang puwede kong maitulong sa gobyerno kasi hindi naman ako puwedeng lumapit kay Mr. President, sa mahal na Pangulo na, 'To, ibibigay ko.' Hindi maganda tingnan.

"Siguro sa inyo na lang, ang balak ko ho ay magbigay ng PHP5M ngayon sa araw na ito, at ibibigay sa mga jeepney drivers na talagang namamalimos na."

Dagdag pa ni Willie, "Meron akong tseke dito, para alam ng tao, hinanda ko to PHP5M para sa mga jeepney drivers.

Comments

0 Comments