• Others

Profile
Fierygift

WIKANG FILIPINO

WIKANG FILIPINO PAGYABUNGIN
	Wikang Filipino, maraming proseso at pinagdaanan ang wikang ito bago maging ganap na tawag ay Wikang Filipino. Ayon sa mga nakaraang diskusyon sa ating modyul. Maraming mga batas at iba’t ibang ordinansa ang pinagdaanan ng wikang ito kung kaya’t marapat lamang itong pagyabungin.
	Mahalaga na ating mapag yabong ang ating sariling wika, dahil wika ang isa sa pagkakakilanlan ng bansa. Narito nanaman ang mga sinambit ni Dr. Jose Rizal, “Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika ay higit pa sa hayop at malansang isda.” Tunay na napaka ganda ng ating wika marahil narin sa mga proseso na pinagdaanan nito. Ngunit paano nga ba natin dapat pagyabungin ang ating wikang Filipino sa pamamagitan ng Social Media?
	Narito ang iba’t ibang maaari nating gawin upang mapagyabong ang ating sariling wika: (1) Maaari natin itong maging midyum sa pagpopost ng mga bagay bagay gamit ang wikang Filipino nang sa gayon ay mahihikayat rin natin ang ibang mga mag-aaral na gawin ito and gamitin. (2) Maari din tayong gumawa ng mga artikulo at sanaysay kung saan maipapakita ang proseso at pinagdaanan ng ating wika. Kumbaga tayo ay gagawa ng kinagisnan ng wikang Filipino. (3) At ang huli ay ang pagpapakilala ng mga iba’t ibang matatalinghagang salita sa mga mamamayan, lalo na’t ito’y patok sa mga kabataan sa panahon ngayon tulad na lamang ng salitang ‘Padayon’ at marami pang iba.
	”Kabataan ang pag-asa ng bayan” ito’y ating palaging nariring kung kaya’t bilang isang kabataang Pilipino tayo ay dapat manguna sa paglaganap at pagyabong ng Wikang Filipino. Wikang Filipino ating pagyabungin.

Comments

1 Comments
  • Kyungg
    Nov 03, 2020 21:22
    Nice👌