• Good News

Profile
Aldrin Calata

What is your greatest hope during this pandemic?

hi! magandang araw sainyo❤️
Ngayon ang gusto ko i-share sainyo kung paano ako nagkakaroon ng  pagasa ngayon 2020. Alam naman natin na ang taong-2020 ay  maraming nanyari na hindi talaga natin inaasahan. Halimbawa, ang pag-putok ng Mt. Taal na sobrang naapektuhan ang Calabarzon at ang pag kamatay ni Kobe Bryant "Black Mamba" kasama ng kanyang babaeng anak na si Gigi Bryant na ang buong mundo ay nagluksa. Hindi pa natatapos ang 1st Quarter ng 2020 dito na dumating si Covid-19😔. Hindi lang Pilipinas ang lubhang naapektuhan pati ang buong mundo. Nagkaroon ng lockdowns at ang ekonomiya ng Pilipinas ay unti-unting bumabagsak pero sa awa ng Ating Diyos ang ating Gobyerno ay namahagi ng mga cash assistance at food packs para sa mga nangangailangan.

So ayun na nga, paano nga ako nagkakaroon ng pagasa ngayon 2020. Simple lang po nag titiwala ako sa Diyos na hindi siya mag kukulang sa mga bagay na kailangan ko sa pang araw araw at lahat na nangyayari ngayon ay may katapusan din na ang kailangan natin gawin ay manalangin tayo sa Kanya🙏.
Ikaw? Saan ka kumukuwa ng pagasa?

(picture credits: pncguam.com)

Comments

4 Comments