KWENTONG COVID-19 ni WIFEY at ni BABY
Sa panahon ngayon na may pandemya, marahil ospital na ang huling lugar na nanaisin mo na puntahan...
August 3... Nagle-labor na pala si Misis, wala sa timing, September pa due date niya. Lying-in lang dapat talaga, para safe. Refer ng OB, sa BMC dahil sila lang may incubator na Public, hindi kaya sa Private eh... Eto na nga po, dumating sa OB-paanakan, dahil mataas ang temp. (due to UTI) eh PUI agad (suplada pa nga si Nurse). Dinala kami sa ER na puro may sintomas ni Virus... Sabi ni Doc OB, walang bakanteng incubator, waiting for admission. Bigla ako nagtanong, "Doc, pa'no po kung hindi ma-incubator?"... "Maliit ang chance" wika ni Doc. Kailangan maging matatag sa harap ni Wifey. Hindi na maka-kilos, wala na ibang pupuntahan, wala pa masakyan. Biglang talikod, tawag sa kaibigan at kapamilya sabay iyak... sobrang iyak... Hanggang sa naging malimit ang paghilab ng tiyan, sa pasilyo pa rin kami nag-aabang. Nasambit ko na lang, "Baby, kumapit ka lang"... Bago sumapit ang hatinggabi, si Baby hindi na napigilan. Takbo, hanap kay Doc... "Doc sumabog na, malapit na po". At ayun na nga, sa pasilyo na inabutan. Saksi ko ang lahat... Lumabas ng walang iyak, iba ang kulay sa normal na bagong silang, malamya, tila lantang gulay. "Daddy, hindi po maganda kondisyon ni Baby", tanging nasambit ni Doc (pedia/ER Doc). Tulala... Literal na natulala ako. "Daddy, si Baby?" tanong ni Wifey. Sabi ko na lang, "Ok si Baby"... Sabay hatid sa kaniya sa isolation room dahil nga PUI. Sa ER, 2 nurse at 1 Doc ang humaplos kay Baby. "Lord, wag po", tanging salita na lumabas sa bibig ko. Pagkaraan ng ilang sandali, umiyak na ang aming munti kasabay ng pagbabago ng kaniyang kulay, namula at biglang sumigla. "Nurse, good sign po ba?", tanong ko. "Opo, Sir", sagot ni Ma'am. Lumalaban si Baby, THANK YOU LORD! Paroo't parito, kay Wifey at kay Baby, walang ibang kasama, walang runner (tawag sa utusan ng bantay). "Daddy, sa isolation room muna po kayo ni Baby (PUI rin daw kasi si Baby) hangga't wala pa Swab Test si Baby, hindi na rin po kayo pwede lumabas ng room once na pumasok kayo ni Baby dun kaya bilhin niyo na po lahat ng kakailanganin niyo lalo't wala pala kayo runner", sabi ng naka-puti... Matapos ng ilan sa Laboratory. Nilagyan ng CPAP para sa Pulmonary, may Pneumonia kasi... Dextrose na may kung anik-anik, hindi pa daw kasi pwede mag-dede. Maya't maya ang dasal... Si Mommy, sa video call na lang muna nasisilayan si Baby.
August 6, Swab test ni Baby... Tinanggal na yung CPAP dahil kaya na daw ni Baby, regular Oxygen na lang daw (partida, wala pa incubator o drop light yan). THANK YOU LORD! Magandang balita para sa'min ni Wifey...
August 7, ang bilis ng resulta. "Daddy, positive po si Baby sa COVID-19", malungkot na bungad ni Doc. "Lilipat po kayo Quarantine facility (kasama lahat ng Postive sa Virus)". dagdag pa niya. Pa'no ko sasabihin kay Wifey?... Hingang malalim, iyak muna ng malakas bago magpanggap na malakas... Wala magawa, para kami naka-kulong. Tawag sa pamilya, sa kaibigan, at higit sa lahat sa Panginoon upang maging mahinahon. THANK YOU LORD?! OO nman! Sabi nga ni Pastor, "may maganda sa likod ng pangit!". THANK YOU LORD pa rin kahit hindi alam kung ano darating pa sa araw ng bukas.
Gabi na, lipat na ng BICC (Quarantine facilty at dito na rin bumubos lahat ng pabor ni Lord). Swab Test na rin ni Wifey... Kami muna ulit ni Baby... Madilaw na ang kulay ni Baby, kuha ng dugo para sa Lab test kung may problema sa Liver, or kulang sa Breast milk o kaya sa 'Sunshine'...
August 8, si Wifey, positive din (Asymptomatic). Gusto nila pauwiin, home quarantine daw, tapos bigla dadalhin na lang daw sa ibang facility kasama ng ibang Asymptomatic. Kausap ko sa CP yung OB na nagpaanak daw kuno kay Wifey (nagkusa na nga lumabas si Baby). "Doc, baka pwede pagsamahin na lang sila ni Baby, kailangan ni Baby gatas ni Misis. Wala ako gatas na maibibigay sa Baby namin". "E yun po ang protocol", wika ni Doc. Mabuti na lang at may kaibigan na laging maaasahan, bigtime pala ang malalapitan. Ang ending, magkasama na sila after 5 days. THANK YOU LORD! At ako naman po, siyempre kasama pa rin, hindi na ko pwede lumabas kasi mataas na exposure ko sa Virus. Negative ang test sa Liver ni Baby... Kaya lang mahina mag-gatas si Wifey. Eto na po ang mga rescue. Si Ma'am Erica at Ma'am Aeyn na nag-alaga at nag-provide ng breastmilk ni baby, naghahabilin pa sa kapalitan nila. THANK YOU LORD! Hanggang sa natapos ang 7 days duty nila, at unti-unti nawawala na ang paninilaw ni Baby. May habilin sila sa kapalitan pero wala na breast milk. Buti na lang may Bro at Sis to the rescue ulit! Nag-umapaw sa gatas, sobra-sobra pa! Lahat naging bahagi sa mabilisang pagbuti ni Baby. Maging mga Medtech na tumulong para sa blood transfusion niya (masyado mababa platelet). THANK YOU LORD! Vitamins, fruits, suob, turmeric at higit sa lahat dasal ang sandata namin mag-Sweetheart. THANK YOU LORD!
At lumipas pa mga araw... 'And so on and so forth' sabi nga nila, bumubuti na lagay ni Baby. Si Wifey..., wala pa rin sintomas. THANK YOU LORD!
August 20, sinundo na ko ng Ambulansiya (VIP) diretso Swab Test tapos uwi na sa bahay. Nag-request kasi ako ng Swab Test, hindi maibigay ng BICC dahil priority nila yung re-Swab. Buti na lang nandiyan si Nurse Coleen at si Dra. (na lagi niya kausap) upang mabigyan ako ng slot for Swab Test sa aming bayan. THANK YOU LORD!
August 23, magandang balita, cleared na sila! At ako, ehemm... "Sir, negative ka po, nasa system na po namin result. Ang lakas po pala ng resistensiya niyo, 2 weeks kayo expose sa Virus diba?", wika ni Nurse Coleen. THANK YOU LORD!!!
Sa nakasama namin mula umpisa, sa aking mga Kapatid (Remainders), sa pamilya namin na gumabay sa aming 2 anak habang kami ay 'staycation', kay Mayora, kay Mamshie (bigtime pala padrino), Bro & Sis (dami foods & breast milk), kapamilya, kaibigan, dating ka-eskwela, kapitbahay, tropa, kamag-anak, CBCH Family, sa mga nagpaabot ng tulong, at lalo na po sa mga nag-laan ng dasal para sa pamilya ko. Sa lahat ng naging bahagi ng aming pagharap sa pagsubok na ito... Maraming-maraming salamat po.
At siyempre THANK YOU LORD!!!
I AM WITH YOU ALWAYS. Matthew 28:20
August 23, 2020, on or about 07:00pm, naihatid na po sila pauwi sa aming tahanan. Walang imposible sa Kaniya! KEEP THE FAITH... TO GOD BE THE GLORY!!!
Our Little Warrior
Airish Earvin Lapaz de Leon
August 03, 2020
#ourpreemiebaby
#mommybabycovid19survivor
#roadtorecovery
#respectandsaluteallfronliners
Comments