IBA’T-IBANG KLASE NG KAPATID Relate ka dito! Ito ay ginawa ko lamang para aliwin ka. Pag tinamaan ka, umilag ka hahaha! THE BREADWINNER Kadalasan ito ang panganay. Madalas to the rescue siya pag kailangan mo. Pag gumawa ka ng kalukohan sigurandong may talak ka. Pero tutulungan ka pa rin. At dahil siya ang breadwinner madalas sagot niya ang bill ng kuryente o kaya tubig o kaya naman tuition ni bunso. MABUHAY AND MGA BREADWINNER!!! BUNSO Kadalasan sila ang favorite lalo na ni nanay. Siya rin and favorite utusan. Masunurin ito lalo na pag may kailangan. Pero pag ito tinamad, magpapakampi ito kay nanay. Bunso: Ma ang sakit ng tiyan ko, si ate kanina pa utos ng utos and tamad tamad. (lahat ng parte ng katawan sumasakit pag ayaw magpa-utos) TIRADOR NG DAMIT Ito yong kapatid mo na ginagamit yong damit mo na walang paalam. Malalaman mo nalang either suot-suot niya o kaya naman nasa labahan na. Minsan yong paborito mo pa yong gustong gusto gamitin. Berta: Suot mo nanaman yang damit ko ang kapal ng mukha mo di ka man lang mag paalam. Amoy putok na yan!!! THE PASAWAY Ito ang tinatawag na BLACK SHEEP. Pasaway talaga to. Minsan uuwi lang to pag kakain. Mukha itong walang pake-alam pero ito ang isa sa kapatid mong handang makipag away pag na argabyado ka. THE MIDDLE CHILD Siya si Bobbie (4 Sisters and a Wedding). Kalmado lang kasi hindi sya masyado pansinin. Madalas focus nito aral. Pero may tendency ring maging black sheep. Maaaring iba-iba ang ugali natin at ng ating mga kapatid. Pero at the end of the day, they are family. Maaaring may hindi pinagkakasunduan pero later on magbabati parin.
Comments