Tuloy-tuloy ang pagbibigay natin ng kalinga sa ating mga kababayang homeless at street dwellers. Ngayong araw, inikot po ng Manila Department of Social Welfare (MDSW) Disaster Management Team ang Canonigo Covered Court, Delpan Sports Complex at RASAC Covered Court upang bigyan ng medical check-up at gamot ang mga indibidwal na nasa pangangalaga ngayon ng MDSW at pansamantalang naninirahan sa ating mga pasilidad. Thank you po Director Re Fugoso sa walang patid na pagtulong ng MDSW sa mga na-rescue nating street dwellers! Kasama po ng inyong Pamahalaang Lungsod, titiyakin po natin ang kaligtasan ng bawat isa sa gitna ng banta ng COVID-19. #AlertoManileno
Comments