Habang ika'y naglalakbay sa mundong ito, Maraming bagay ang aakit sayong paningin Maganda at tama sa persepsyon ng mundo Ngunit mali pala kung ito ay susuriin. Ngunit dahil sa tigas ng iyong ulo, Naging mapusok ka sa pagdedesisyon mo Para lamang mapunan ang iyong kuryosidad Iniba mo ang landas ng iyong paglakad. Nagpakasaya, nagliwaliw, at nagpakarumi Nasira ang iyong buhay, maging ang sarili Nilamon ng sistema ng kamunduhan Nawalay sa daang dapat na lakaran. Nilamon ka na ng depresyon At tinangay ka ng mga alon Ang iyong isipan ay napuno ng lason Nakitakbo ka sa mapusok na henerasyon. Ang saya sa una ng mga bagay na ito Mga bagay na sumisira sa sarili mo At hindi mo ito basta-basta namamalayan Papatayin ka na pala unti unti nang lubusan. Ngayon napaisip ka na lang bigla, "Ano bang nangyari sa akin" - iyong wika. Nagtaka ka at tila ba'y nagsawa Sa mga bagay na napansin mong paulit-ulit mong ginagawa. Unti-unti kang nawalan ng pag-asa Nasira rin maging ang relasyon sa pamilya Ngunit isang umaga, nagising ka Nagising ka at namulat ang iyong mga mata. Naramdaman mong may kulang sayong sarili At pilit mo itong hinanap nang mabuti Ang pakiramdam ng pagiging kumpleto Natagpuan mong muli sa piling ni Cristo. At sa iyong muling pagbabalik Ika'y nagpakumbaba't nagpasaliksik Inamin ang iyong mga kamalian Mga maling desisyon at kabuktutan. Muli mong naramdaman ang saya Ang tunay na saya sa piling Niya Muli kang nabuo mula sa pagkabasag noon At nagpatama sa mga maling bagay na bakas ng kahapon. May mga pagkakataong tayo'y nadarapa Madalas nawawalan ng pananampalataya Ngunit ang mahalaga'y bumabangon tayo Basa't kasama si Cristo, tuloy ang iyong kwento.
Comments