• Good News


Profile
Iggy Dasigan

TULONG MULA SA CONCERNED INDIVIDUALS MATATANGGAP NG MGA TAGA-LOURDES

TULONG MULA SA CONCERN INDIVIDUALS MATATANGGAP NG MGA TAGA-LOURDES, PANDAN

Inaasahang matatanggap ngayong linggo ang donasyon mula sa concerned individuals ng mga taga-Lourdes, Pandan. 
Matapos ang sunod-sunod na kalamidad na nagdulot ng perwisyo sa lugar, partikular ang flashflood dulot ng bagyong Ulysses, nag-organisa ng paglikom ng donasyon ang ilang mga tubong Lourdes mula sa ibayong lugar para matulungan ang kababaryo.
Ayon kay Engr. Ariel V. Tapar, ang nag-organisa ng nasabing pagtulong, umabot ng halos 149,000.00 (Php) ang kanilang nalikom na mapupunta para sa relief goods na ipamamahagi. Bigas, pagkaing de lata, noodles, asukal, kape at powdered na gatas, at sabong-panligo ang matatanggap umano ng kanilang mga kababaryo.
Bukod pa rito ay inaasahan ring makatatanggap ng damit kung hindi man ang lahat ay ilan sa mga nangangailangang taga-Lourdes sa unang linggo ng Disyembre.
Nagpaabot rin umano ng tulong ang mga katrabaho ng ni Engr. Tapar at ng kaniyang mga kapatid.
Mensahe ni Engr. Tapar, "We rise by lifting others!" Hiling din niya ang patuloy na pagtutulungan at pagbabayanihan ng lahat lalo na sa oras ng pangangailan.

Iggy Dasigan
goodinfonet

Comments

2 Comments