Si nanay ang nagpapatunay na"Habang may buhay may Pag-asa". Sa patuloy na pagtaas ng bilang ng covid-19 cases hindi ito naging hadlang upang sumuko at magpadala sa hamon ng kalikasan. Nakita ko si nanay habang nakatambay ako sa tapat ng aming bahay na tulak-tulak ang isang stroller. Kung titingnan nyo sa likod parang normal lang na stroller na may nakasakay na bata. Pagkaraan nya sa harapan ko dun ko nakita na nagbebenta pala sya ng sweet corn gamit ang lumang stroller. Nakakalungkot lang isipin na sa edad nya nagawa pa nyang magtrabaho, na dapat ay nasa bahay lang sya at nagpapahinga. Bumili kami ng Sweet corn kay nanay at kahit hindi ko nakita ang mukha nya ramdam ko ang saya na nararamdaman nya dahil nakaubos sya ng paninda😁. Diko sya nakausap kasi dinagsa narin sya ng mga bata para bumili🥰 kaya naman agad ko sya kinunan ng litrato ng hindi nya nakikita dahil kung sakali man na may pumansin dito ng post ko at may tumulong kay nanay andun ung element of surprice na gusto ko maranasan nya😔 sobrang saya nyang umalis at nagiwan sakin salitang "salamat at nakaubos na"❤️ Dati kaming nagbebenta din ng mais ang kaibahan lang ay nilagang mais ang tinda namin. Ramdam ko ang hirap na ginagawa ni nanay dahil kahit mismo ako nakarasan ko yan. Mahirap lang kami kaya eto ang nakikita kong paraan para makatulong kay nanay. Sana may mabuting puso ang makapansin ng post nito. Handa akong tumulong para makita ulet si nanay.🥰 SPREAD LOVE❤️ GOD BLESS❤️
Comments