• Good News

Profile
Jehejehe

Tula Para Kay Corona

I wrote a poem (in Filipino) dedicated to corona virus. I've posted it a while ago in readdotcash. Hope magustuhan nyo.


Nung una kang lumabas sa isang pahayagan
inaakala ng madla ika'y pangkaraniwan
nung Enero kasi kami'y nag-iiyakan
kasagsagan ng pagkamatay ni Kobe Bryant.

Ika labing-isa ng Marso taong kasalukuyan
idineklara ng W.H.O. na isa kang Pandemya
kung ika'y ihahambing sa mundo ni Saitama
isa kang Dragon Level: Class S na halimaw.

Buong mundo nagsara ng borders laban sa iyo
sigla ng ekonomiya ay unti-unting naglaho
upang makontrol at maaga kang masugpo
animo'y isang eksena sa pelikulang "The Flu".

Sa sobrang bagsik mo kami'y laging nagtatago
pagsusuot ng face mask pinatupad sa mundo
W.H.O. nagrekomenda ng distansyang isang metro
paggamit ng sabon at alcohol abay biglang nauso.

Itong gobyerno ng Pilipinas halatang nataranta
naghigpit sa mga ibang lahi, hindi sa taga-Tsina
kung maaga sanang pinagbawal mga turista
bilang ng mga nahawaan edi sana mababa.

Biruin mo, ang haba ng lockdown dito sa Pinas
pagpunta sa palengke daraan pa sa isang butas
hinahanapan ng papel tawag nila'y travel pass
nagugutom na kami, pabili po ng sardinas.

Nasaksihan namin kung pano ka manalasa
libong tao ngayon nasa ilalim na ng lupa
milyon na nga ang iyong mga tagahanga
Ay mali! Di ka pala sa YouTube naghaharana.

Comments

6 Comments
  • Yu Mi
    Sep 16, 2020 23:10
    wow great.👍👏
  • Ms. Tiktok News
    Sep 16, 2020 17:20
    nice poem jehejehe
  • Red Albante
    Sep 16, 2020 00:20
    Nice poem