• Good News

Profile
Sei

Trying my best - Anson Seabra

Sa kadahilanang ito ang aking unang ambag sa website na ito gusto kong ibahigi sainyo ang magandang motivational ni Anson Seabra na "Trying My Best"

Karamihan saatin ay may mga bagay na hindi talaga kaya, kahit anong pilit natin hindi tayo nagiging okay hindi tayo napapatahimik ng ating utak na kung saan ba tayo nag kulang bilang isang kaibigan, kapatid, anak, at pagiging tao sa mundong inaapakan natin. Lahat tayo ay may mga hidden truth sa sarili natin na ayaw nating ipaalam sa iba kahit ito pa ay isa sa mga malalapit sa buhay natin, mahirap aminin na may nararamdaman tayong hindi naayon sa dapat nararamdaman natin bilang isang tao. Mahirap aminin yung bigat at sakit na nararamadaman natin na pilit nating itinatago sa pamamagitan ng pag ngiti araw araw. Marahil tayo ay may pagsubok, pagkalihis sa ating kasarian o mabigat na problema. Paulit ulit kong pinakinggan ang kantang ito, naranasan kong huminga nang malalim at maluwag. Binabati ko ang mga taong nakakapit parin sa buhay nila at hindi nag tangkang tapusin nalang ito, darating din sayo na magiging maayos ang buhay mo at pasasalamatan mo ang taong nakapaligid sayo sa pag titiwala at sa pag sama sayo sa mga pagsubok. Ang buhay ng tao ay hindi natatapos sa isang pagkakamali, patuloy lang tayong lumaban sa buhay natin dahil tayo'y mag tatagumpay.

Comments

2 Comments