Walang taong hindi nakakaranas ng pagsubok. No one is exempted from experiencing it. Sa iba't ibang panahon nga lang natin nararanasan at sa iba't ibang dahilan kung bakit. Minsan nasasabi ng ibang tao, "life is unfair" daw kasi ang dami nilang problema, yung iba kaunti lang. Pero mas maswerte nga sila diba, dahil nararanasan nilang mahasa sa iba't ibang klase ng pagsubok. Ibig sabihin, sila ang mas nakakaalam ng solusyon sa mga pagsubok na naranasan na nila ngunit hindi pa natin nararanasan. Kung mayroong taong positibo sa pananaw sa mga pagsubok, naku mas lalo namang marami ang taong ang tingin sa pagsubok ay kaaway, ang tingin sa problema ay kabiguan. Tatanungin kita, are you one of them? Siguro ang sagot mo ay "minsan". Siguro dumating na sa buhay mo yung sobra kang na-challenge sa pagsubok na meron ka o minsan ay nasabi mo na din na parang hindi mo na kaya. But what is the sense of giving up, kung mayroon namang solusyon? Baka kasi binababad lang natin ang mga sarili natin sa kakaisip sa mga problema at hindi sa pag iisip ng nararapat na solusyon. My mentor once said to me, "dont make yourself as part of the problem, but a solution instead." Malamang naiisip mo na ang hirap namang tayuan ng sinabi ng mentor ko. Pero wag mo pangunahan nang kung ano-anong pag iisip. Mas mainam kung bubusugin mo ang sarili mo ng mga motivations. Isipin mo yung mga panahon na sobrang nahihirapan ka at ang mga panahong nangangarap ka. Kamusta? mas madali ang mangarap ng kaginhawaan diba kaysa ang alalahanin ang mga pangyayari na nahirapan ka. Uulitin ko ang tanong ko sayo, kamusta? motivated ka bang gawin ang mga bagay na kasalukuyan mong ginagawa ngayon? Motivated ka bang lakaran ang mga pangarap mo na simula noong bata ay pinapangarap mo na? Ang sabi ng isang manunulat, ang success daw ay hindi parang pagsakay sa elevator kundi pag akyat gamit ang hagdan. Success means effort, kailangan mo munang pagpawisan, kailangan mo munang makipaglaban sa maraming kahunghangan ng buhay sa mundo. Kailangan mo maging matapang. Kailangan mo ang tapang na hindi basta sumusuko at higit sa lahat tapang na tanggapin ang katotohanan na ang pagsubok ay parte ng ating buhay. Dahil kung tanngap mo ang pagsubok bilang training ground mo, mago-grow ka, hindi ka basta magugupo. Setting our failures as motivation is a very good idea. Tandaan mo, wala tayong ibang kalaban kundi ang sarili lang natin at walang ibang makakamotivate sayo kundi ikaw at ang personal mong mga kabiguan. Make your trials as your motivation because it can refresh you mula sa pagkakabugbog sa mga problema. it can make you stronger than before dahil nanaisin mong umalis sa sitwayon. Trials will make you positive from your negative situation. Ngitian mo ang mga problema at sambitin mong kaya mong umahon, kaya mong maging matagumpay, kaya mong umangat dahil ang pagsubok ay isang parte ng ating proseso para sa huli, ikaw ang panalo!
Comments