• Good News

Profile
Blotter

#ThankYouMom Tula para kay Ina

Mula sa 'king unang pag-iyak,
Bakas sa 'yong mukha ang galak.
Pati aking unang pag lakad,
Ika'y palaging naka bantay.

Kanyang sariling mga pangarap,
Ay tila ba naging mailap.
Dahil aming hinaharap,
Ay uunahin niyang matupad.

Minsan tayo' y may alitan,
Di ko gustong ika'y saktan.
At aking kapatawaran,
Iyo'y laging pinakikinggan.

Kulang ang mga salita,
Kaya't hayaan sa simpleng tula
Pasasalamat sayo ina
Aking maipabalita.

Comments

0 Comments
Check Out More Good News
Happy Living
e
Liste