• Good News

TALAK NI MUDRA

TALAK NI NANAY NA NAMISS MO!

Sa mga pamilyado na o hiwalay na sa magulang, aminin niyo na nakaka miss ang alaga ng nanay natin, ang luto, lalong lalo na ang TALAK.

GABI NA
“Roberta!!! Gabing-gabi na nasa labas kapa! Parang hindi ka babae.”

MANLILIGAW
“ Liligawan mo anak ko eh hindi nga marunong maglaba ng panty niya yan!”
(pati panty talaga mader??)

KATULONG
“ Para kayong may mga katulong, maghapon kayo nakahiga. Ni mag walis hindi niyo magawa. Marunong kayo kumain, pero hindi kayo marunong mag hugas! Hindi ko alam kung saan kayo nag mana sa katamaran niyo.”

PAG AKO NAMATAY (classic to)
“Pag ako namatay hindi nyo na talaga alam ang gagawin niyo sa buhay niyo.”

THE REFEREE
“Hala magpatayan kayo, mag bugbugan kayo sige. Pag wala sa inyo nasaktan, ako bubugbog sa inyo”

NOON AT NGAYON
“Kami noon naghahanap pa kami ng kahoy para pang luto. Nag iigib pa kami ng tubig para maka-ligo at maka luto. Kayo nan diyan na ang tatamad niyo pa din. Ang swerte niyo na nga”

Pero pag may sakit tayo, si nanay ang hindi nakakatulog. Tapos lahat ng gusto mong ulam lulutuin. Ang sweet.

Comment down below sa mga naka miss sa mga Mudra!

Comments

0 Comments