• Good News

"Araw" (Spoken Word Poetry)

Hindi man ikaw ang una kong nakikita sa tuwing gigising ako sa umaga
Sa dahilang ang aking silid na maliit ay wala namang kabinta-bintana
Panigurado namang mararamdaman ko ang init na iyong dala-dala
Sapagkat ramdam kita
Nararamdaman kong nariyan ka lang naman palagi
Hindi ka nawawala kahit kailan.

Malayo man ang iyong distansya kung agwat lang din naman ang pag-uusapan
Tila malapit ka rin naman sa akin na para bang kasama kita noon pa man
Sapagkat saan ko man ibaling itong aking paningin
Kitang-kita ko ang presensya mo
Para akong isang preso
Subalit hindi kagaya ng mga taong sintensyado
Para bang nakakulong ako sa mga rehas na gawa ng yong sikat
Subalit ito ang rehas na hindi ko kailanman nanaising makatakas
Sapagkat yun ang aking nais
Ang maging bihag sa mga tanikala na gawa ng yong silahis.

May nais sana akong ilahad
Bagaman nababatid nitong sarili na hindi mo magugunita ang mga salitang aking ibubulalas
Subalit bayaan mong aking ipahayag ang aking taos-pusong pasasalamat
Sa patuloy mong paggabay sa aking kulay abong landas.

Giliw,
Bagaman hindi ikaw ang syang laging tinatanaw nitong mga mata kong nalulumbay
Subalit dito sa aking mundong ang tag-ulan ay walang humpay
Ay ikaw ang nagsisilbing bahagharing handang magsaboy ng kulay
Dinugtungan ang nahihingalo kong buhay
Bagaman itong kalooban ko'y nakukumutan ng makapal na ulap ng kalungkutan
Matiyaga mo akong hihintayin na magbukas ng kahit na maliit na siwang upang masilayan kita at sabihin sa aking "kaya mo yan"
At kahit pa mas ninanais ko na lang na sumapit itong gabi na ang tanging namamalas ko lang ay pawang kadiliman Nariyan ka pa rin
Nandiyan ka lang
Palagi.
 
Kaya Salamat ng marami
Salamat sa pag-ibig mong ang hatid ay isang kagila-gilalas na LIWANAG sa aking buhay..

Ikaw ang ARAW ko.

7-10-2020 5

==


"Just want to share this Spoken Word Poetry to you.

I was able to make this poem because of a special person who always there for me in my hard time that I am experiencing right now. I treat that person as my 'Light'.. as my SUN. 🙂

By the way, I am an amateur writer. I created my FB Page entitled BALLPEN WARRIOR 2 years ago. If you like to read some my inspiring poems, just follow and like. 🙂

Comments

0 Comments