Sa totoo lang , kapag iisipin ko kung ano ang naitulong ko ngayong may pandemic , parang wala naman . Dahil... Hindi naman ako lumabas ng bahay. Pero ang hindi ko na-realize na nakatutulong pala kahit sa gano'n na paraan. Malaking tulong pala ang hindi paglabas ng bahay . Bakit ? Kasi hindi ka mahahawaan at hindi ka rin makakahawa. Natutulungan mo ang komunidad mo na hindi kumalat ang Covid19. Dahil ang sakit na ito ay wala namang pinipili , hindi ibig sabihin na mayaman ka ay hindi ka na mahahawaan. Kung lalabas ka man , magsuot ng face mask , please. Huwag matigas ang ulo. Kailangan natin ng DISIPLINA . Kaya sa mga sumusunod sa patakaran ng gobyerno at sa nananatili sa bahay , ako na magsasabi . SALUDO AKO SA INYO. #COVID19Help
Comments