Maraming tao ang ninanais na mawalan ng pake sa buhay dahil sa iba't ibang dahilan na siyang nakakapagbigay ng kathang isip sa lahat. Iba't ibang pananaw ang lumilitaw subalit hindi alam ng karamihan ang dahilan ng isang tao. May iba't ibang karanasan sa buhay ang nararanasan araw araw ngunit hindi mawari dito kung alin ba talaga ang totoong dahilan. Minsan sa buhay ng tao parati nating iniisip kung tama ba ang tinatahak natin na daan patungo sa maunlad na buhay ngunit hindi natin alam kung papano o kailan natin ito gagawin o sisimulan. Mahirap sa umpisa ngunit kung nasanay na tayo at natutong gumawa ng aksyon, tiyak na malalaman mo kung ano ba talaga ang daan na iyong tinatahak. Hindi man ito agad- agaran na pamamaraan pero kung tutuosin ito'y kailangan na kayanin ng isang tao upang maisakatuparan ang pangarap na iyong ninanais sa buhay. Huwag mawalan ng pag asa, manalangin at gumawa ng hakbang na makakapagtulong sa iyo upang umunlad ang iyong buhay. Huwag dumepende sa iba, gumawa ka ng paraan upang ikaw ay mamuhay ng mapayapa
Comments