• Good News

Siya ( Poem)

Siya 

Kay gandang babaeng ang aking nasilayan
Mga ngiti niyang kay tamis
Kanyang mata'y kumikislap
At mga pisngi niyang kay taba

Siya yung tipo nang babaeng
Walang tigil kung tumawa
Hindi nahihiya sa kanyang ginagawa
At kay sarap kasama

Siya yung tipo nang babaeng
Mahuhulog ka na lang bigla
Yung tipong hindi buo ang araw mo
Pag di mo masisilayan ang kaniyang ngiti

Tawa niya'y parang musika Na kay sarap pakinggan
Mukha niya'y parang anghel 
Na sobrang sarap pagmasdan

Siya yung babaeng tipo ko
Yung babaeng simple lang
Siya yung babaeng tipo nang lahat
Babaeng hinahanap hanap nang puso ko

Siya yung babaeng pangarap ko
Yung anghel sa buhay ko
Ang tinitibok nang puso ko
Ang babaeng pagmamay-ari nang best friend ko

Comments

7 Comments
  • Ms. Tiktok News
    Sep 10, 2020 22:44
    nice poem
  • AEGYO NEWS
    Sep 10, 2020 17:57
    lovee it
  • Gabriel Ian
    Sep 10, 2020 16:49
    LOVEEEEEEE