• Good News

Profile
Clyde Almaden

Salamat

Isang salita ng pagpupugay at kabayanihan
Sa kabila nang pangamba na kayo'y madapuan
Piniling magsakripisyo at patunayang
Mahalaga ang pagmamahal sa kapwa,
Maging sa ating bansa.

Alam niyo? Bilang Isang Kabataang Pilipino
Natutuwa ako dahil bukal sa atin ang tumulong
Bagama't, ito ang inyong mga trabaho, 
Hindi ito ang inyong ipinakita sa mga tao
Kundi, ang serbisyo at pagmamahal sa kapwa-tao.

Marami na tayong pinagdaanan
Lindol, baha, bagyo at pagputok ng mga bulkan
Kailan man hindi tayo sumuko sa laban
Dahil may mga taong pursigidong lumaban
Mga Pilipinong bayani ng ating bayan.

Nararapat lamang kayong kilalanin at pasalamatan
Sa kontribusyong kaylan may hindi matutumbasan
Ng alin mang salapi o karangalan
Sa kabayanihang ipinakita sa bayan.

Sa ating mga Kapulisan, Kasundaluhan, Nars, Doktor, Mananaliksik, Naghahatid ng mga pagkain, mga Opisyal ng Lokal na Pamahalaan at Barangay, Mamahayag, 
At sa iba pang makabagong bayani na 
Humaharap at lumalaban sa COVID 19 na ito,
Mula po sa akin at sa aking pamilya...

Sukran (Maranao), Salamat Kaajo (Boholano), Salamat hin madamo (Waray), Madamo nga Salamat (Ilonggo), Muchas Gracias (Chavacano), Agyamanac la Unay (Ilocano), Daghang Salamat (Cebuano), Maraming Salamat (Tagalog).
Iba't ibang mga salita ngunit iisa ang kahulugan
Walang iba kundi kayo ay pasalamatan.

Ako po ang inyung lingkod, Clyde Lamban Almaden
Sumasaludo sa inyung katapangan, kagitingan at pagmamahal sa bayan
Pinagtibay ng mga puso at lahing lumalaban
Na nagsasabing, "Corana Virus ka lang, Pilipino kami."












Comments

7 Comments
  • AEGYO NEWS
    Sep 05, 2020 09:15
    thanku
  • BJ_ Jose
    Sep 05, 2020 04:21
    Keep on sharing
  • Team Payaman
    Sep 05, 2020 00:11
    Whoah