Pinangalanang 'Sputnik V' ang bagong COVID-19 vaccine ng Russia, hango sa pangalan ng unang satellite na inilagay ng mga tao sa outer space noong Cold War sa pagitan ng Soviet Union at Estados Unidos. Inihayag na ng Palasyo ang interes sa pagkuha ng bakunang ito para sa mga Pilipino. “Ako, pagdating ng bakuna in public, para walang satsat diyan, in public magpa-injection ako,” sinabi ni Pangulong Duterte nitong Lunes. “Ako ‘yong unang ma-eksperimentuhan."
Comments