• Good News

Profile
Loren Wong

Rooftop Cat

Ang sabi ko, “Hindi na ulit ako mag-aampon ng mga pusa. Ang dami na nila.” But I can’t help it. Hindi ko sila matiis. 

Kagaya ng isang kuting na ito. Madalas ko silang makita ng kanyang mama cat sa bubong. Buntis pa lang si mama cat, pinapakain ko na siya kasabay ng ibang mga alaga ko. Walang nag-aalaga sa kanya. Kaya kapag nakikita ko siya, I see to it na nakakain siya at nakakainom.

One time, hindi ko na nakita si mama cat. Naisip ko, baka nanganak na ito. Lumipas ang ilang linggo, may narinig akong tunog sa bubong. Parang may naghahabulang mga pusa. Sumilip ako sa bintana, nakita ko si mama cat, may kalarong isang kuting. I assumed na anak niya ito. So, hindi ko na lang pinansin kasi mukhang okay naman sila.

Isang araw, nakita ko sila sa hallway na mag-ina. Tinawag ko si mama cat, I named her Tres. Binigyan ko ng cat food. At first, hesitant si kitten. Kaya hinayaan ko lang. No’ng nakatulog ito, nilapitan ko. At nang magmulat ang kanyang mga mata, naantig ang puso ko. Halos hindi niya maidilat ang mga ito sa sobrang dami ng muta. Napakadungis at napakapayat niya.

At hindi ako nagdalawang isip na bilhan siya ng milk replacement at i-share sa kanya ang vitamins ng mga alaga ko. Nilinis ko ang mga mata niya at pinatakan ng eye drop na prescribed ng veterinarian sa mga alaga ko. I decided to take care of him. 
My problem was, hindi ko siya madalas na nakikita. Sumasama siya sa mama cat niya, pabalik sa shelter nila which is sa rooftop. So I waited each day. Nakikita ko siya sa dulo ng roof, at madalas siyang tulog. I felt helpless because I couldn’t cross the roofs to get to him.

Until I saw him sleeping by the stairs. I was so happy and I ran to grab some food for him. Pero sa sobrang antok niya, or maybe panghihina, hindi niya pinapansin ang food at mas gusto na lang niyang matulog. I let him be. Dahil diyan, I named him Sweepy. Sleepy kasi siya, so I switched “L” with “W”. 

Nahirapan ako sa kanya. Kinuha ko siya pansamantala sa mama cat niya. Sa tingin ko, hindi rin siya madalas mapadede ni mama cat kasi madalas itong wala, looking for food for both of them. Pansamantala lang naman ito. Ibabalik ko rin siya. 

I started to bathe him. Sobrang tapang at hindi ko alam kung saan siya humuhugot ng lakas to break free. Lumalaban talaga siya. Ilang gloves na rin ang nasira dahil sa kanya. Pero pinagtyagaan ko siya. 

It’s been three months since I took him in. At hindi na siya umalis, hindi na siya sumama sa mama cat niya. He’s still sick and I’m hoping na gagaling siya, soon. Though hindi siya playful, maliksi naman ito at mabilis tumakbo. He’s so sweet. Katabi ko siya matulog, kasama ng isa pang adopted kitten ko na si Dooey. 

Marami pa akong nakikitang mga stray cats sa area namin. Sa totoo lang gusto ko silang ampunin lahat. Pero hindi pwede. Marami na akong alaga at baka mapalayas na kami sa apartment. I will help them in any little way I can. My priority are the kittens and the sick ones. And I’m always hoping and praying that at least each of us can do the same. 
 

Comments

1 Comments
  • Ron Cedric
    Jul 26, 2020 16:28
    awww sino ba namang di makakatanggi sa ganyang ka cute~