Sa pagdating ng Covid na kumitil ng hindi lang libo kundi milyon milyong buhay mula sa iba't ibang dako ng mundo, Pumatay sa ekonomiya, nagkulong sa mga tao sa mga bahay ,nagtanggal ng kalayaan sa mga bata upang makapaglaro,magsaya bilang kabataan mga matatanda na sinisikap sulitin ang buhay kasama ng mga mahal nila,mga maysakit na nangangailangan ng preskong hangin sa paggaling at pagkawala ng kabuhayn para sa mga ordinaryong manggagawa. May nakikita pa ba tayong positibong epekto? Sa aking palagay may magandang epekto rin ang pagdating ng Covid sa tao. Unang una relasyon pinatibay at pinatatag nito ang pananampalataya sa Diyos at sa kapwa tao. Lumabas ang mga taong tunay may malasakit at tunay na mapagkakatiwalaan, naging maliwanag ang kalangitan kahit ilang buwan lang na kung sa maysakit ang mundo ay hindi na lumala pa. Nagawa ng Covid na pakilusin ang mga natutulog na dugo ng mga umaasa lamang sa tulong upang asahan ang mismong sarili sa pagtaguyod sa kanikanilang pamilya. Higit sa lahat hindi man karamihan ay nagbalik loob sa Diyos at siya lang ang kinapitan sa panahong ito, sana'y hindi lang yan ngayon bagkus ay magpatuloy at magsilbing malaking aral sa lahat ang dinadanas na Covid! Bangon Pilipino
Comments