Sinimulan na po ng ating Department of Public Services (DPS) at ng Plastic Credit Exhange (PCEx), sa pangunguna ni Ms. Nanette Medved-Po, ang matiyagang paghahanap ng angkop na lugar na paglalagyan ng mga container van na magsisilbi ring Material Recovery Facility o MRF sa mga Barangay. Ang ating programang "Aling Tindera", plastic-palit-pera, na sisimulan sa mga susunod na araw, ay layuning mabigyan ng karagdagang pagkakakitaan ang mga Manileño at makatutulong pa sa pagbabawas ng mga basura, lalo na ang mga plastik na bumabara sa ating mga estero at iba pang katubigan.
Comments