• Good News

Profile
Junessa Dionaldo

Para sa mga minamahal kong Pilipino

Parihas lang tayo. Naguguluhan din ako sa mga nangyayari sa ating lipunan sa ngayon. Pero tika, bago ka magsalita o may gawin, kumalma ka muna at isipin mo ng mabuti ang  susunod kung sasabihin. 

"Kung hindi ka masaya ngayon, wala kanang gana sa tao o sa buhay, marami kang pinoproblema, minamalas ka, di ka pa rin makalimot o malaya sa nakaraan, batid mong wala ng nagpapahalaga sayo, nawalan ka ng mahal sa buhay, hindi na sapat ang iyong pera o pagkain para bukas, mag-isa ka lang ngayon, may ini-inda kang sakit, wala kanang alam kung ano ang susunod mong gagawin, nahihirapan kanang intindihin ang nangyayari sa buhay mo, naiinis ka sa ibang tao, may kaaway kang hindi mo pa nakakasundo, nakalimutan mo na ang tunay na halaga ang mga ngiti mo, ayaw mo na sa sarili mo, at kung hindi payapa ang kaluluwa mo sa ngayon; Ipikit mo ang iyong mga mata. Huminga ka ng malalim, kahit ilang beses, hanggang sa kumalma ang iyong pag-iisip. Isipin mo ang Diyos at sabihin mo sa kanya ang lahat. Huwag kang mahiya at ipakita mo ang tunay na ikaw. Walang mawawala kung gagawin mo iyan at sanay hayaan mong mas maging matatag ang iyong pananalig. 

Nandito ka pa sa mundo kaya kahit na ano pa man ang nangyayari sa buhay mo ngayon magbabago rin iyan sa susunod pang mga taon. Kung may nakikita kamang hindi kanais-nais ay sana'y hindi mo tutularan o kung wala ka namang tamang maitutulong ay sana hindi mo nalang palalain. Magpatuloy ka sa buhay at dalhin mo sa iyong paglalakbay ang pagnanais sa kabutihang asal at pagtitiwala sa ating Panginoon. 

Sa kasalukuyan, malabo man tayong magkaisa, isalba natin ang ating mga sarili at ang mga taong mahal natin sa buhay. Huwag tayong magpaimpluwensya sa hindi naman nakakabuti sa ating mga sarili. Kahit kaunti na lamang ang tunay na nagmamalasakit sa ating mundo at sa ating kapwa tao, may pag-asa sa mumunting liwanag. At malaya ang maging parte sa mumunting liwanag. Uulitin ko, parihas lang tayo.

Comments

0 Comments