• Good News

Pagtibayin ang iyong pag iisip

Pag nakakaramdam ka ng panghihina or na dadown ka, humanap ka ng inspirasyon at motibasyon para bumangon at mag patuloy. Wag mong hayaang lamunin ka ng kalungkutan at hayaang patuloy kang hilahin nito patungo sa pinaka mababang lebel ng iyong pananampalataya.

Humanap ka ng mga tao, kwento, o anumang bagay makatutulong sayo sa muli mong pag angat. Tandaan mo hindi ang ang Negatibong bagay o pang yayari sa buhay o paligid mo ang mag papabagsak sayo kundi ang paraan mo ng pag iisip. Ang isip natin ang nagpapatakbo sa buo nating pagkatao. Kaya't panatilihin mong mag isip nang mabuting bagay lamang. Minsan mabuti nang matalo tayo sa usapan kesa makipag talo. 

Walang masamang magpahinga, malungkot, o mag mumukmok sandali, pero wag mong hahayaang manatili ka sa pangit na sitwasyon na kinalalagyan mo.

"You can't change the past, But You have the power to change your future. "

At mag sisimula ito sa ating pag iisip.
Isipin mong magagawa mo, at MAGAGAWA MO.
Isipin mong makakaya mo, at MAKAKAYA MO.

MANIWALA KA SA SARILI MONG KAKAYANAN, HIGIT SA LAHAT MANIWALA KANG MAY DYOS NA LAGING NANDYAN. KASAMA MONG LUMABAN. ANUMANG HIRAP NG BUHAY PAG SYA ANG KASAMA MO.

"OKAY LANG YAN"
-KuyaCriz

God bless us all

#DreamsIntoReality
#kuyacriz
#strongmindset
#faithinGod

Comments

0 Comments