• Good News

PAANO BA MAGKAROON NG MATAGAL AT MATATAG NA RELASYON?

PAANO BA MAGKAROON NG MATAGAL AT MATATAG NA RELASYON?

---
Wala naman talagang exact ways para tumagal at tumatag ang isang relasyon eh, nakadepende kasi ang lahat sa inyo ng partner mo. Magtatagal yan kung parehas niyong gustong magtagal at tumatag ng magkasama, kung parehas kayong nagbibigay ng time at effort sa relasyon niyo, yung magkasama niyong inaayos ang bawat problemang dumadating sa relasyon niyo. Pero kung isa lang sa inyo yung may kagustuhang mangyari yun, I don’t think na mag tatagal at magiging matatag ang relasyon niyo tulad ng sa ibang magkakarelasyon.

It’s a matter of give and take ika nga. Hindi pwedeng ikaw lang yung give ng give habang siya take ng take lang. Dapat fair. Dapat equal. Dapat parehas kayong nag-eeffort dalawa.

I repeat, nakadepende sa dalawang tao ang isang relasyon. Dalawa ha! Hindi lang isa, kayong dalawa.
Ikaw at yung partner mo. Kung ikaw lang ng ikaw, mapapagod ka lang hanggang sa sumuko ka na lang.

Kung nakikita mong ikaw lang ang gumagawa ng move sa inyong dalawa, kausapin mo siya habang maaga pa. Pag-usapan niyo kung ano ba talagang problema sa relasyon niyong dalawa. Wala namang problema na hindi nadadaan sa matinong usapan diba?
Strong communication is the key.
Hindi din dapat nawawala ang tiwala, respeto at pang-unawa sa isa't isa.

✍️: Janine Espeleta❤

Comments

0 Comments