Limang araw inabangan ni YouScooper Richmond Perez ang Comet NEOWISE sa kanilang lugar sa Nueva Ecija. Nang makita niya ito noong July 22 kasama ang kaniyang kasintahan na si Sandra ay hindi siya nagdalawang-isip na mag-propose. Kuwento ni YouScooper Richmond, nag-alok na siya ng kasal dati at ilang araw na raw niyang dala ang bagong singsing para sa kaniyang kasintahan dahil nag-aabang siya ng pagkakataon para ibigay ito. Nagulat at natuwa raw Sandra sa kakaibang wedding proposal kung saan kita ang kometa.
Comments