• Quotes/Motivation

Profile
GodsPrincess

NOTE TO SELF: NEVER GIVE UP!

NOTE TO SELF: MAPAPAGOD TAYO, PERO HINDING HINDI TAYO SUSUKO

Lock down?
Break up?
Nawalan ng Trabaho?
May sakit?
Nasira ang plano or goals?

Lahat tayo yan ang madalas na naiisip, Iilan lang iyan sa mga problema na dinadala natin. Malamang sa mga oras na ito gulong gulo na ang isip mo kung paano ulit babangon, o kaya paano malalagpasan ang mga pagsubok na iyan. Kung iisipin natin madalas talaga nakakapagod naman talaga. 
Kung ang kinikita mo sapat lang para sa kaibigang mong si Bill, malamang madalas nababaliw kana sa kakaisip.
Kung ikaw man ay nasa kalagitnaan ng breakup, ang hirap mag move on. 
Let me share you this Isaiah 40:31 says “- But those who hope in the Lord will renew their strength. They will soar on wings like eagles; they will run and not grow weary, they will walk and not be faint.”
 Sa kalagitnaan ng pagsubok na kinakaharap natin, wag natin hayaan na mawala yung HOPE na meron tayo. Normal na mapagod tayo sa araw araw na may panibagong pagsubok na dumarating sa buhay natin. Pero wag nating hayaan na SUMUKO tayo nang dahil sa pagsubok. Napakadaling sabihin, hindi ba? Pero mahirap itong gawin. Hayaan natin na kumuha tayo ng lakas sa ating Panginoon para makayanan natin ang bawat pagsubok. Matuto tayong magpasalamat sa lahat ng bagay, kahit ito man ay pagsubok. Sapagkat ang bawat pagsubok na ating kinakaharap ito ang daan para tayo ay patatagin pa, palakasin higit sa lahat meron itong LESSON para sa atin, na magagamit natin kapag dumating ulit ang ganyang pagsubok o kaya maibabahagi din natin sa ating mga kapamilya o kaibigan. 

Kaya kung gusto mo ng financial breakthrough, Learn to work hard, sa panahon ngayon maraming jobs online. Pwede kang makakuha ng 2 job at a time. May kaunting ipon ilagay sa business, para may extra income ka.
Kaya kung gusto mong makamove on agad, Learn to love yourself first and to love God even more. Kasi in God’s perfect time darating yung tamang tao na para sa iyo. 

Comments

1 Comments
  • Sep 22, 2020 19:01
    Never give up