Kahit may dahilan para matakot ka,mas gugustuhin mo paring ituloy dahil buhay ang dala mo,at alam mo na bawat buhay Ay bagong pag-asa.Sa edad na 15 yrs.old,nag live-in na kami ng boyfriend ko year 2012. Since nagsama kami nagsipag sya sa pag wowork at while ako nasa bahay lang.Gustuhin man namin magkababy hindi kami nabiyayaan agad kahit na wala kaming gamit na panguntra sa pagbubuntis. Year 2017 nagka work ako month of july nahire ako sa isang clothing company bilang warehouse staff..Hindi ko inakala na kung kilan nagkawork na ako saka ako mabubuntis sa First baby namin ng partner ko. Umuwi kami ng probinsya para doon ipagpatuloy ang buhay namin. June 2018 nung nanganak ako sa panganay namin through emergency Cs sa kadahilanang nag suffer ako ng Pre-eclampsia.Alam ko naman hindi dapat sundan agad ang pagbubuntis lalo na kung CS ka kaso sadyang bumabawi ata si Lord sa amin at nasundan agad pagbubuntis ko.Without any hesitation desidido ako n ituloy pagdadalang tao ko kahit na delikado para sakin..May 2019 I gave birth to our 2nd baby at Kinaya kong manganak ng Normal Delivery kahit na 2 weeks pa bago ang due date ko,nung time na naglilabor ako hindi ako agad nagpa takbo sa hospital dahil alam ko na mas comportable kung nasa bahay ako while nagsusuffer ng contractions.At tama nga ang hinala ko na mahirap manganak sa hospital lalo na kung public at marami kang kasabay.Dahil kilangan mo makipag siksikan.. Nung hindi ko na kaya saka na ako nagpadala sa Hospital para ipagpatuloy paglilabor ko dahil alam kung malapit na lumabas ang bata sa mga time na un.. At nagkataon naman na marami akong kasabay na naglilabor as in wala ng bakanteng bed. Yung tipong nakatayo ka lang habang naglilabor dhil wala ng bakante..after 2 hours na paglilabor sa hospital nag succeed ako mag normal delivery.. At Dahil Sobrang Blessed kami nasundan ulit agad ang pagbubuntis ako, sa kabutihang palad nai normal delivery ko ang 3rd baby ko March 2020 kahit na naabutan na ako ng panganganak dahil dalawang birthing home ang tumanggi sa akin dahil dapat daw sa hospital ako manganak dahil delikado daw para sa akin kahit na sinasabi ko na sakanila na lalabas na ang bata ay pinilit parin nilang ibyahe ako sa mAlayong hospital dahil tinanggihan din ako nung hospital na mejo malapit dahil wala daw akong reserve blood. Kaya sa ambulansya ko tuloy naipanganak ang bata without any complications naman..Mahirap at nakakatakot isipin na kaya ko kaya? Baka mamatay ako at maaga mawalan ng ina ang mga baby ko kung itutuloy ko pagbubuntis ko. Pero mas gusto kong panghawakan na lahat ng bagay ay may dahilan at paraan. .Kaya Alam kong kakayanin ko Dahil kasama ko ang Panginoon at Hindi Niya ako pababayaan.Tapang at Pananampalataya sa Diyos at Pagmamahal sa Anak ko ang dahilan kaya Kinaya ko ang 3 taon na magkasunod na pagbubuntis na maayus at panganganak ng ligtas.S a lahat ng pagsubok sa buhay sikapin na iwaksi ang negativity ng isip at magfucos sa positive side palagi! #mymotivation #mychildren#myfamily#myGod
Comments