Masaya maging Guro. Punong puno ng kulay. Higit ang pagmamahal at pagpapahalaga. Mababa ang sahod, dagdag pa ang pagsubok na hatid ng paligid at emosyon. Pero ano ang mahalaga rito, ang karanasan. Masarap maranasan ang tunay na pagmamahal sa propesyong ito. Totoo, malaki ang ginagampanan ng isang Guro sa lipunang ito. Walang mahirap na bagay sa pagmamahal na hatid ng mga taong dahilan mo kung bakit ka nananatiling nagtuturo at gumagawa ng napakaraming papeles. Ang aking mga mag-aaral, ang aking pamilya, at ang aking mga anak. Sila ang dahilan ng aking tapang at saya sa pagiging Guro. Mamahalin ko sila hanggang sa huli kong hininga. Masarap maging Guro. Lalo na kung pinagbibigkis kayo ng pagmamahal at pagpapahalaga ng mga rason mo sa pagiging Guro. Mahal ko kayo mga anak ko!
Comments