Yung ang tagal ko nang curious sa lahi ni Bamita. Though isa siyang Aspin or Asong Pinoy, wala talagang tiyak na pinagmulan ang lahi na ito at kadalasan ay halo-halong breed nang mga aso ang bumubuo sa composition of genes nang isang Aspin. Kaya nung nakita ko sa Google itong Dog Scanner App, ininstall ko na kaagad at inalam ang lahi ni Bam-Bam. According sa app na ito, siya ay may lahi ng mga sumusunod na aso; Thai Bangkaew Dog (37.2%) Canaan Dog (24.3%) Russo-European Laika (15.2%) Norrbottenspets (7.7%) Kaya pala mabalahibo itong alaga ko kasi mabalahibo din ang mga ninuno nya! 🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣
Comments