• Good News

MEGA HEALTH QUARANTINE CENTER SA CALABARZON CONVENTIONAL CENTER INAASAHANG MAGBUBUKAS NGAYONG SETYEMBRE

Ang mega COVID-19 quarantine facility para sa Region-4 ay inaasahang magbubukas ngayong darating na Setyembre. Ininspeksyon kahapon ng inyong abang lingkod kasama nina DOH Secretary Francisco Duque III, Chief implementer Sec. Carlito Galvez Jr., Deputy Chief implementer Secretary Vince Dizon at Laguna Governor Ramil Hernandez kasama ng iba pang mga kawani ng nasyonal at lokal na pamahalaan ang nasabing pasilidad. Malugod po naming ipinaaalam sa inyo na nasa 80% complete na ito sa ngayon.

Magkaisa po tayong lahat upang maging mas epektibo ang laban natin sa pandemyang kinakaharap. Makakita ng Kaunti

Comments

10 Comments